Chapter 23

5 1 0
                                    

"Hello po!" Niyakap ko sila isa-isa.

Hindi sila nakagalaw at napatulala lang sila sa akin dahil sa ginawa ko. Bahala na kung isipin nilang feeling close ako. I just missed them.

"I'm Kendra po." Pagpapakilala ko pa.

"Magandang araw hija." I don't why I feel like, parang napipilitan lang si Mang Pedring na ngumiti sa akin. "Ako nga pala si Pedring."

"Ako naman si Anna."

"Hi, Ate Kendra. Ako si Jeah." Malaki ang ngiti ni Jeah sa akin.

"Si Mia naman ako, Ate. Grabe ang ganda mo po."

"Hala, thank you." Nahiya ako bigla.

"Hi everyone, I'm Xander, but you can call me Xandro." Pagpapakilala ni Xandro at nakipagpakamay sa lahat.

"Mommy, Daddy, magpakilala na kayo." Sabi ko dito.

Seryoso lang ang mga mukha nila. Nakikipagtitigan pa sila kila Mang Pedring at Aleng Anna.

"Is there a problem po ba?" Lumapit ako sa kanila.

Biglang umiba ang ekspresyon nila nang lumapit ako. Ngumiti silang dalawa ni Daddy.

"Wala, anak." Umiling si Mommy. "I'm Allejandra." Tanging sabi niya at hindi man lang nakipagpakamay.

"Roland." 'Yan lang ang sabi ni Dad na seryoso lang ang tingin kay Mang Pedring.

Pinabalik-balik ko ang tingin sa kanilang dalawa. Parehas nga talaga ang itsura nila.

"Dad and Mang Pedring. You know what, magkamukha kayong dalawa." Sabi ko at ngumiti.

Lumapit si Jeah at Mia sa akin para makitingin din.

"Hala, oo nga 'no."

"Ahh, mukhang ganoon nga. Sige tara na, pasok na kayo." Ngumiti si Mang Pedring sa akin ay iginiya kami papunta sa isang kubo.

"Pwede kayong pumili kung anong room ang gusto niyo doon." Tinuro ni Aleng Anna ang mga kwarto.

"'Yon po ang gusto kong room kasama si Xandro." Tinuro ko ang isang room.

Ang room na 'yon din ang naging room ko noon sa panaginip ko. It was my comfort place back then.

"Sige dalhin niyo na ang gamit niyo doon." Sabi ni Aleng Anna.

Nakaupo lang si Mang Pedring at parang hindi mapakali. Seryoso pa rin si Mom at Dad.

"Doon na lang kami sa room na katabi ng room ni Kendra at Xander." Sabi naman ni Mom.

"Sige po, ma'am." Sagot ni Aleng Anna.

Iniwan muna namin ang magpamilya doon ay dinala ang mga gamit namin sa rooms namin. Tinulungan ako ni Xandro sa gamit ko.

Nilapag niya ang gamit namin sa kama at inayos ko 'yon. Nilagay ko ang mga damit namin sa cabinet.

"Xandro, wala nga palang tubig dito kapag maliligo sa banyo. You need to like, igib there in the poso. I'll just show you that later, help me ha."

"Can you repeat what you've said? You're accent is cute," he chuckled.

"Ano ba! I'm serious oh, it's true naman kasi that you will igib there first so that you can use the banyo."

"Nagsearch ka talaga ng maigi tungkol sa lugar na ito 'no? Kahit 'yan alam mo eh."

Umupo ako sa kama katabi niya.

"Yeah, I searched about it." Sagot ko kahit hindi naman talaga.

Noon pa kasi alam ko na ang tungkol dito. Hindi naman pwede na sabihin ko 'yon dahil baka kung ano ang isipin niya.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Where stories live. Discover now