Chapter 12

11 6 0
                                    

Hanggang ngayon nakangiti pa din ako dahil sa nangyari kanina. Kilig na kilig na ako. Hindi na ako makaka-ahon nito. Nasa terrace ako ng kwarto ko ngayon at tinitingnan ang ganda ng buwan at mga bituin na kumikinang sa madilim na kalangitan.

Kahit kaninang naghahapunan kami kulang na lang mapunit ang bibig ko sa kakangiti. Ngayon ko lang naramdaman 'to, ngayon lang talaga at alam ko na dahil 'yon sa kaniya. He's someone that can't get off my mind easily. He has a great effect to me that makes me crazy.

Hambang nakatingala sa langit may narinig na naman ako. Napatigil ako at hindi alam ang gagawin.

"Kendra, anak gising na," boses ni Mommy.

Hindi ko pinansin pero may nagsalita na naman.

"We miss you so much, anak," boses naman iyon ni Daddy.

Nanindig lahat ng balahibo sa katawan ko. Hindi na talaga siya guni-guni dahil alam kong tinatawag na nila ako. Pero hindi pa ako handang bumalik. Miss ko na rin naman sila pero sa ngayon sarili ko muna ang iisipin ko.

I don't know what to do, I was scared. I am always scared and I don't know how to face anything. I'm caging myself. I don't know what to do anymore.

Pumasok ako sa kwarto ko at natulog na. Ayaw ko ng makarinig at mag-isip ng kung ano-ano, mas ginugulo lang no'n ang isip ko.

Tanghali na ako nagising dahil late na akong natulog kagabi. I can't sleep, or maybe I was just afraid to sleep. I don't want to have nightmares. It's hunting me ever night and it scares me.

When I went to my bathroom nagulat ako dahil may laman ng tubig ang timba. Wala pa ito kahapon. Naligo na lang muna ako at tatanungin ko na lang mamaya kung sino ang nag-igib.

Nang matapos akong maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kubo para kumain. I breathe heavily habang naglalakad. 

"Good morning po," bati ko ng makita ko sila. I was smiling, trying to hide everything behind this mask.

"Tanghali na, ate," sabi ni Mia kaya natawa kami.

"Pinuntahan kita kanina pero tulog ka pa kaya hinayaan na lang muna kita," sabi ni Xandro kaya nagulat ako.

I was so stunned to speak. I didn't expect him to do that. Siguro siya rin ang nag-igib ng tubig.

May mapang-asar na tingin ang pamilya sa akin kaya nahiya ako.

"Ahh, late na kasi ako nakatulog kagabi." sabi ko.

"Bakit naman?" Tanong ni Xandro.

"I can't sleep. By the way, ikaw ang nag-igib ng panligo ko?" Hinarap ko siya na nakataas ang isang kilay.

"Yup," tumango siya.

I don't know what to say. I know it's just a simple thing but I felt butterflies on my stomach. Ang babaw ko masyado, but I'm just in love. Yes I admit, I'm already in love but I won't confess it to him. I am scared... always.

Nagsimula na kaming kumain at tahimik lang ako. Nang matapos nag-isip kami kung ano ang gagawin ngayong hapon. I am just listening to them.

"Maglinis na lang kaya tayo, ayusin natin iyong Camp para magmukhang bago naman," suwestyon ni Jeah.

"Tama ka anak ayusin na lang natin ang Camp para maganda kapag may bisitang darating," sagot ni Mang Pedring.

Kumuha muna sila Mang Pedring at Xandro ng mga gamit katulad ng pintura tapos kaming mga babae nagwawalis ngayon.

Mas nagiging masipag ako nang dumating ako dito. This place is training me so well. Sobrang dami kong natututunan dito.

Nang matapos kaming magwalis nagsimula na kaming magpintura ng mga kwarto. Ang dating kulay berde na pinta ginawa naming yellow at nilagyan ng mga bulaklak. Gusto ko maging makulay tingnan ang lugar.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora