Chapter 18

7 5 0
                                    

"Kenny! Ganda ng opisina ah." Sabi ko magtatrabaho ako ngayon nang tahimik pero paano na eh dumating ang dalawang asungot ng buhay ko.

They are Coleen and Chielle my best friend during college. It's been eight years simula noong nakarecover ako. Noong college ako, pinayagan ako nila Mom and Dad na fashion designing ang kukunin ko. Pumayag naman sila, akala ko nga Business Management ipapakuha nila sa akin eh.

Nang pinayagan nila ako, abot langit ang saya ko. Wala na akong mahihiling pa nang mga oras na iyon. Tumigil na rin ako sa pagmomodel at nagfocus sa bagong career ko bilang designer. Simula pa naman talaga noon mahilig na ako sa fashion.

"Ba't dito na naman kayo?" tanong ko.

Si Pat Business Management ang kinuha dahil gusto niya daw tulungan ang parents niya sa business nila, kaya naman noong college kami hindi na kami masyadong nagkikita.

Sa mga panahon na 'yon unti-unti ko nang tinatanggap na wala na kami, hindi na talaga kami magkikita ni Xandro. Hanggang panaginip lamang ang lahat. Minsan napapaginipan ko siya, pero wala na itong epekto sa akin, talagang nakamove-on na ako. Ganon naman kasi sa buhay kailangan nating sumunod sa agos nito, hindi tayo pwedeng mabuhay sa nakaraan kung saan mas masasaktan tayo.

"Bakit bawal ba?" tanong ni Coleen at nagcross arms.

"Miss ka kaya namin," ani ni Chielle.

Miss? Eh kaninang dumating ako dito sa opisina ko eh nakasalubong ko pa sila.

I now manage my own clothing line at minsan ako pa ang nagmomodel ng mga designs namin. Si Coleen at Chielle kinuha ko ring mga designer ko dahil pareho lang naman ang mga kinuha naming course noong college.

"Miss mo mukha mo," binalik ko ang tingin sa gown na ginagawa ko para sa pinsan kong ikakasal na. Yes, Kelly is getting married and she chose me to design her gown.

"Ganda naman ng opisina mo," inikot ito ni Chielle.

Bagong renovate ang opisina ko kaya naman maganda itong tingnan. Kakauwi ko lang last week galing Florida para bisitahin sila Kelly, kaya noong wala ako dito pinarenovate ko itong opisina ko para naman magmukhang bago.

"Ba't naparito na naman kayo?" tanong ko ulit habang tutok sa ginagawa.

"Mamaya inom tayo," ngumisi si Coleen.

"Wala akong oras para diyan," sagot ko.

Marami akong tambak na gawain dahil bukod sa clothing line ko tumutulong rin ako sa family business namin. Ako ang pinamanage ng parents ko sa isang hotel namin sa Tagaytay. Kahit naman hindi about business ang kinuha ko I still know how to run our business because my Mom trained me.

"Sige na minsan lang eh," pamimilit ni Chielle sa akin.

Alam nilang hindi ko sila kayang tanggihan kaya naman aya sila ng aya. Silang dalawa ang naging sandigan ko sa mga panahon na hirap na hirap akong makamove-on. Sila ang nandiyan para samahan ako magpacheck-up dahil nga naapektuhan ang ulo ko noong naaksidente ako, sila rin ang kasama ko sa tuwing pupunta sa psychiatrist ko noong panahong nadepress ako. Kaya kung ano man ang nirerequest nila, hangga't makakaya ko ay binibigay ko para man lang mabayaran ko ang mga ginawa nila sa akin.

"Oo na sige na," pagpayag ko. "Magtrabaho na muna kayo don at madami pa akong gagawin."

"Tambay muna kami dito," umupo si Coleen sa couch.

"Wala ba kayong mga trabaho?" tanong ko. Parang ang dali-dali ng buhay nila ah, walang stress.

"Tapos na Ma'am Kendra," sagot ni Chielle.

Nawa'y lahat wala ng tambak na gawain. Nahihiya rin kasi ako na hindi tanggapin ang request ni Dad na imanage ang hotel namin sa Tagaytay. Pinayagan na naman kasi nila ako sa mga gusto ko noong mga nakaraang taon. Para bang naging malaya ulit ako at nagagawa ko ang mga gusto ko. Kaya kahit na palaging tambak ang trabaho ko I still do my best to make them proud. Ako lang kasi ang inaasahan nila na magmamana ng business namin.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Where stories live. Discover now