Chapter 5

14 10 0
                                    

Maaga akong nagising kaya bumangon na ako at inayos ang kama ko. Bagong araw na naman na makikita ko si Xandro. I don't know but there's a part of me that I want to see him and also a part of me doesn't want to see him. Gusto ko siyang makita dahil parang hindi na kumpleto ang araw ko kung hindi niya ako nabubwisit pero ayaw ko siyang makita dahil alam kong mas lalala 'tong nararamdaman ko sa kaniya.

Hindi pa talaga ako sure kung talagang gusto ko siya, maybe na-attract lang ako dahil sa looks niya. Parang kakakilala ko lang naman kasi sa kaniya tapos gusto ko kaagad siya. I can't deny that he have the looks, so maybe it's just because of that. It's just because of that and nothing more, hindi ko naman kasi siya kilala para sabihin kong gusto ko na kaagad siya. He's just attractive

Pumunta ako sa salamin at tinignan ang mukha ko.

"Buti naman hindi namugto yung mata ko kakaiyak kagabi," bulong ko sa sarili ko.

Nang matapos akong magsalamin naligo na ako at nag-ayos. Mabuti nga at may tubig pa sa timba kaya hindi na ako nag-igib. Hindi na naman mahapdi yung mga sugat ko kaya hindi na ako nahirapan sa pagligo.

Maswerte lang at galos lang ang natamo ko sa aksidente at hindi ako napuruhan.

Thirty minutes akong naligo tapos nagbihis ako ng tank top na gray tapos high-waist maong shorts.

Lumabas ako ng kwarto ko at sinalubong kaagad ako ng fresh na hangin. This place really gives me comfort. Ang maaliwalas na paligid na ito ay tinulungan ako na magkaroon ng peace of mind.

Habang nilalasap ang sariwang hangin dito naglakad lakad ako dahil hindi ko pa pala nalilibot ang buong Camp Jawili. Gusto ko pang makita ang ibang sulok nito dahil alam kong may tinatago pa itong ganda.

"Ate," pagtawag sakin ni Mia kaya hinarap ko siya.

Kinwayan niya ako kaya nginitian ko siya.

"Saan ang punta mo ate?" tanong niya.

"Ahh gusto ko lang sana maglibot," sabi ko. "Pwede mo ba akong samahan para makapasyal ako dito?"

"Sige ate," sagot niya at nauna na siyang maglakad. "Sumunod na lang po kayo."

"Ang ganda pala dito 'no?" tanong ko sa kanya. Habang naglalakad ay manghang-mangha ako sa paligid. Kapag talaga inaalagaan ang kapaligiran ay makikita mo ang ganda nito na ikaw mismo ang makikinabang.

"Oo ate. Malayo ito sa maraming tao at nakakatelax dito dahil hindi crowded at walang polusyon." sabi niya.

Habang naglalakad maraming tinuturo sa aking mga spots si Mia na magaganda. This place never failed to amaze me with it's beauty.

"Dito may iba pang kwarto kasi may time na marami ang pumupunta dito kaya kailangan madaming rooms," turo ni Mia sa iba pang kwarto.

Akala ko noong una 'yung labindalawang kwarto na nakahelera kasama ng kwarto ko ay 'yon lang ang mga available na kwarto dito. Pero hindi pala, dahil sa kabilang side ng Camp meron pang mga rooms kaso lahat ito ay walang tao ngayon dahil walang mga turista.

I don't know if nararamdaman din nilang boring dito dahil silang pamilya lang, pero kung ako ang maninirahan dito, kahit walang mga gadgets at mga mamahaling gamit ay sasaya ako dito. With nature it feels like I don't need anything more. This place is enough for me to be happy. A place that is far from toxic people and an environment where I cannot be free and everything have limitations. Here, I feel like a bird flying freely, because finally I got out of my cage.

Naglakad pa kami ni Mia at tinuro niya din sa akin kung saan nila sinasalubong ang mga bisita dito.

Pinuntahan din namin ang parang isang restaurant dito na gawa lamang sa kubo. Open siyang kubo tapos sa loob may mga kahoy na upuan at lamesa. A perfect place to eat, because it is surrounded with plants that gives fresh air. Hindi na kailangan pa ng electric fan o aircon, dahil ang hangin pa lang ay sapat na at sariwa pa.

The Man in My Dreams (Camp Jawili Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon