CHAPTER 14

52 15 0
                                    


JIONNE

Nakasakay na kaming lahat sa sasakyan. I was treated by Glass, bae, and Ivan. Saffron and Dexter are tending to Kylie, who is lying next to me and is unconscious.

Nahiwalay ang iba saamin. Sa pag kaka alam ko nasa ibang sasakyan ang iba kasama roon si Jess at Paisley na naka sunod lang samin ang sasakyan nila.

Hindi ko pa rin hinayaan ang sarili ko na lamunin ng antok.

Habang busy sila sa pag gagamot ay pinaliwanag ko na rin ang nangyari saamin kanina. Mababasa mo talaga sa itsura nilang lahat na nagsisisi sila na hindi sila naka balik kagad para tulungan kami.

Lalo na si Glass. Ramdam ko talaga ang galit niya sa bawat pagdampi niya ng bulak sa tagiliran ko.

Kunyatan ko kaya 'to?

He doesn't appear to be planning to turn around to see my wicked eyes glaring at him, which I want him to feel.

"If you can't do it gently, give it to me."

Tinabig niya ang kamay ko.

"Don't move."  lumalim ang boses niya.

Napa taray ako. Baka gusto niyang dahan dahanin?

Muli ko na lamang pinanood ang ginagawa nila hanggang sa huminto ang sinasakyan namin. Nasaan kami?

Nakalimutan kong magtanong kung saan kami pupunta, hindi ba labag 'to sa laro?

Tinignan ko ang kapaligiran sa labas. Puro puno at walang mga sasakyan na dumaraan kahit malapit lang dito ang highway. Sa tingin ko ay nasa isang subdivision kami.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng hapdi sa katawan ko. Bumalik ang masamang mukha ko at humarap sakanilang dalawa na kunot noong nakatingin na sa'kin.

"Hindi mo ba naisip?" panimulang tanong ni Ivaner. "Na baka hindi lang basta baril ang ginamit nila sainyo kanina?"

Lumipat ang tingin sakan'ya ni Salamin pero muling bumalik rin 'yong titig niya sakin at nag-aabang ng sagot.

"What do you mean by that?" kuryos na tanong ko.

Nagkatinginan muli silang dalawa bago ulit ako tignan.

"Wala lang, naisip ko lang bigla ka kasi nakaramdam ng hilo pagkatapos nun. Tapos nakita pa ng Ilan saatin na bumubula daw yung bibig ng lalaki na napatay mo kanina-- gamit rin ang baril na iyon diba?"

Tinanguan ko siya gamit ang kilay.

Pumasok sa isip ko ang lahat ng sinabi niya. Kung ganoon na may lason ang bala bakit hindi ako humantong sa ganung lagay nila?

Slayers...

What type of killers are you, and you appear to know so much about this.

"Mabuti nalang hindi ka humantong sa ganun katulad ng sakanila. "

Tumango ako pero may sinabi pa siya.

"Ipaalam mo nalang kagad saamin kung may kakaiba kang naramdaman. Sige labas na ako." paalam niya.

Umitlag ako nang mahina akong tawagin ni Glass.

"Ikaw na.."

"Ha?" pag-uulit ko.

Inilahad niya saakin ang bandage na kinanuot naman ng noo ko. Nais niya na ako ang maglagay sa sugat ko, eh kahit kunting galaw lang nangingirot na ang buo kong katawan!

Traits Of A SlayersWhere stories live. Discover now