CHAPTER 3

236 25 9
                                    

A/N: I apologize for the typos and wrong grammar you may have read..


JIONNE

Inilapag niya sa lamesa ang isang tasa ng kape.

"Tungkol saan ba yung napanaginipan mo?" 

Dahan dahan naman akong nag-angat ng tingin sakanya.

"Hindi ako nagkakape.."

Alam naman niyang hindi ako umiinom niyan, tch.

"Oo nga? e hindi naman kape yan e.."

Kumunot ang noo ko at tsaka inilapit ko ang baso.

"Choco milk yan, bobo."

Halos sabay kaming napabuntong hininga.

Lutang lang ako.

"I was kidnapped."

"HUH?!"

Napapikit ako.

"Sa panaginip ko!"

Umuwang ng kaunti ang bibig niya.

"Akala ko nakidnap kana talaga..." Napatagal ang titig ko sa sinabi niya.

What if nangyari na talaga?

"I feel something strange.. alam mo yung parang nangyari na pero hindi mo maalala?.."

"Wag mong sabihing?-- nakidnap ka ba talaga?"

"Hindi ko nga alam."

Umupo siya sa tabi ko. "Pero kung nangyari nga, anong dahilan bakit nila nagawa yun?"

Napatitig siya sandali sa basong hawak niya bago siya tumingin sakin.

"Eh bakit nga ba? e makulit ka e! Sa dami ba namang naka engkuwentro mo--"

"Bago siguro mangyari yun.." Putol ko sa sasabihin niya.

"Ano?!"

Napahilamos ako sa mukha ko bago tumayo. "Papasok na ko sumabay ka nalang kila Dexter,pupunta pako sa bahay."

Kunuha ko sa upuan ang coat na nakasabit dito at kinuha rin ang bag.

Nagbihis na kase ako kagad pagkagising ng pagkagising ko.

"Hindi ka pa kumakain! Ano? Choco milk lang ang umagahan mo?" At the same time he sipped the drink.

"Edi sa bahay nalang ako kakain."

Nasilayan ko ang mapang-asar niyang ngisi.

" Ano ba sadya mo dun? "

I reciprocated with a grin.

Mag ngitian tayo ngayon na parang tanga.

" Si Jian umuwi na."

Narinig ko nalang ang malakas na paglapag niya ng baso sa lamesa.

"Umuwi na pala siya?!"

"Kakasabi lang e."

Agad siyang lumapit sakin, lumayo naman ako agad.

"Aalis na ko--"

Traits Of A SlayersWo Geschichten leben. Entdecke jetzt