Kataka taka dahil iniwan nila ito basta basta. Yupi narin ang harapan ng sasakyan nito.

What happened here?

"Nasaan na sila?" napalakas pala ang pagkasabi ko nun imbis na ibubulong ko lang. Tinignan nila ko saglit bago ilibot rin ang paningin sa lugar.

Isang minuto na ang bilang ko nang bigla naming marinig ang pagtunog ng cellphone ni Salamin na hawak niya. Saglit na nagpalitan ng tingin si Kylie at siya bago sagutin ang tawag.

"Dexter."

Doon palang ay agad na akong naalerto at dali daling lumapit sakanila. Hinila ko ang dalawa kong katabi.

Sinenyasan namin siya na i-loud speaker ang tawag yun nga lang ay nakatatlong pindot pa siya bago gumana pansin kong nabubulok na ang cellphone niya.

"What the hell--what happend guys? are you alright ? where are you?!" sunod sunod na tanong niya.

Wala pang dalawang segundo ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Anong alright?" usal ni Dexter. "Dude we're trapped." may pagkadiin niyang sabi sa dulo.

Pansin ko na kapwa nagkatinginan ang mga kasama ko habang ako ay di maalis ang tingin sa cellphone na hawak ni Glass at nagaabang ng mga susunod nilang sasabihin.

"Dude, We're still existing." boses naman ni Alteb ang narinig namin.

May naririnig ako na mga putok ng baril sa linya nila at rinig ko din ang bawat malalalim nilang paghinga.

"Pero sa totoo lang Pierce? alam kong nakakabawas ng angas to pero mukhang hindi namin kakayanin ang isang bazooka."aniya na medyo kinalaki ng mata ng batang katabi ko. Kaya pinalakihan ko rin siya ng mata nang magkatinginan kami.

Bazooka? what the.. saan naman nila nakuha 'yon?

"Teb ang dami mong sinasabi. Ang sasabihin mo lang naman tulungan tayo dito." nagtalo pa sila.

"Bakit hindi yun ang una mong sinabi kanina?.." sabat naman ng isa.

Napapikit nalang kami ng mariin sa narinig.

"Where are you, now?"

"Pre, need namin ng back up."

"Oo, nasan nga kayo?"

"You mean you will call Saff--"

"I'll call Saffron, but dude, how many times must I inquire as to your whereabouts!"

"Huwag kang magalit." aniya na parang may ginagayang boses.

"I will end the call, you fvckers."

"Joke lang bata, ang natatandaan ko sa nasa malawak kaming lugar may parking sa labas nasa pangatlong kanto kami at tanaw dito ang school natin at hindi kami dito makaalis sa ospital." Pahayag ni Dexter na kinaayos ng tayo ko

Napasinghap si Kylie at Jessilyn sa narinig.

"You're in the Hospital?"

"Yah"

"You just detailed it. Hindi mo nalang sabihin na nasa hospital kayo."

"Glass--"

Traits Of A SlayersWhere stories live. Discover now