122 | good night, aro

9 0 0
                                    

good night, aro
akihiro | 122

Alas singko na ng hapon nang makarating
kami sa destinasyon. Naglatag kami ng
banig at tela na puwede naming upuan at
higaan sa may damuhan. Nagdala na rin
kami ngayon ng puwede naming kainin
mamaya, sa ngayon ay nakaupo kami sa
nilatag naming banig habang pinapanood
ang paglubog ng araw.

Ilang beses ko nang napanood iyon, pero
iba yung pakiramdam ngayong kasama ko
siyang pinapanood iyon. Napalingon ako
kay Kier. Halos lumabas sa dibdib ko yung
puso ko nang bumungad ang tingin nito
sa akin. Natawa siya sa reaksyon ko
kaya pabiro ko itong binatukan.

Kalalabas ko lang noong isang araw ng ospital,
isang linggo akong nag-stay do'n dahil sa sleep
study na ginawa sa akin, at next week namin
malalaman kung ano yung resulta. May parte sa
aking natatakot sa magiging resulta niyon, pero
dahil kasama ko si Kier, nawawala lahat ng
pangamba ko.

Good Night, Sweet DreamsWhere stories live. Discover now