093 | sleep now aro

7 1 0
                                    

sleep now aro
kier | 092

"Ang ganda ng moon 'no?"

Napalingon ako sa kanya. Nakatingala
siya sa langit habang may malawak na ngiti
sa labi. Baliw na ata ako, pero gusto kong
umasa na sana may iba pang meaning
yung pagtanong niya no'n.

"As always," iyon na lang ang nasabi ko.
Hindi naman kasi ako sa buwan nakatingin.
Ayokong magsayang ng oras, gusto
kong titigan siya hanggang sa mag-umaga.

"Puwede ba tayong bumalik dito?"
tanong niya.

Napangiti ako.

"Babalik tayo dito, idadala uli kita dito."

Pangako 'yan, Aro. Basta hihintayin
mo ako.

"Yung timestamp pala na sinend mo
kagabi, para saan 'yon?" tanong nito.

"Malalaman mo bukas."

Good Night, Sweet DreamsWhere stories live. Discover now