015 | found you

39 5 0
                                    

found you
akihiro | 015

Napakagat ako ng pang-ibabang
labi matapos i-send yung message
sa kanya. Na-read pero hindi
nag-reply.

Ang haba ng pila, nasa
pinakalikuran kami, malayo kay
Neo. Kasunod pa man din daw
niya sa pila si Kier.

"Uy, Aro, 'yon yung Kier diba?"

Napunta ang tingin ko sa tinuro
ni Vije. Kasunod niya yung pinsan
ko, paalis na sila. Tapos na ata
magpa-enroll.

Sana hindi niya na lang binasa
yung message kung hindi niya
rin naman rereply-an. Umaasa
ako, e. Hayst!

"Puta nakita ka raw nung Kier na
natalisod," sabi naman ni Arko
habang natingin sa phone niya.

Dali-dali kong binuksan ang
gm namin nila Neo.

"Hala gago!"

Napalakas ata ang pagkakasabi
ko no'n na napalingon pa sa
akin yung mga nasa harap ko sa
pila. Napatakip na lang ako ng
bibig saka bahagyang yumuko
bilang paumanhin.

Shuta naman! Pangit na nga
first impression niya sa akin sa
message, nagmukha pa akong
clown sa kanya sa unang
pagkikita namin.

Good Night, Sweet DreamsWhere stories live. Discover now