109 | sunset

9 1 0
                                    

sunset
akihiro | 109


Hindi ko alam ang gagawin ko. Iniwan na ako
ni Axl dito sa kuwarto ni Kier. Nanatili lang
akong nakaupo sa likod ng pinto ng kuwarto
habang hawak yung phone niya.

Hindi ako makaiyak. Gusto kong umiyak
pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Ang
bigat sa dibdib. Ayoko ng ganito, kasi
ganitong ganito din yung naging reaksyon
ko no'ng namatay si Mama. Naubos yung
luha ko pero nadagdagan yung bigat sa
dibdib ko. Parang pinagkait sa akin yung
isang way para mabawasan yung bigat
na nakadagan sa akin.

Nanginginig ang mga kamay kong hawak
yung cellphone niya. Inopen ko 'yon saka
pumunta sa sound recorder. Iisang file na
lang ang naroon.

Yung name ng file? "goodnightaro",
saktong 1 hour and 50 minutes yung length.

Mariin akong napalunok, nagdadalawang
isip kung pakikinggan ko ba iyon ngayon.
Hindi ko alam kung kaya kong pakinggan
ang boses niya, knowing na nagsusuffer siya.

Sinabi niya namang babalik siya, pero
natatakot ako. Gusto kong panghawakan
yung mga salita niyang 'yon, pero minsan
na akong iniwan ng isa sa pinakamahalagang
tao sa buhay ko. Natatakot akong baka
hindi uli ako balikan. Natatakot akong wala
akong mahintay.

I clicked the play button.

Soon you'll be in between heaven and me

Nagsimulang bumuhos ang luha ko nang
marinig ko ang kantang tumutugtog. Ito yung
kantang nirecommend niya sa akin noong
ayaw ko siyang tumawag dahil sa malat niya.

Apologies if I seem unwilling,
it's hard for me to watch you leave

I didn't even have the chance to watch
him leave. Pero mas ayos na siguro yon
kasi baka mas lalo akong masaktan
kapag pinanood ko siyang umalis.

Distance may make the heart grow fonder,
but I'm just trying to keep you longer

Alam kong kailangan niyang pumunta,
pero kailangan ba talagang sa malayo?

Cause if I just let you go,
without ever letting you know

Hindi pa maayos yung pag-amin ko kagabi.
Hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya
kagusto. Hindi ko alam kung paano at kailan
nagsimula, ang alam ko lang lagi ko nang hinihintay maggabi para matawagan at
makausap ko siya. Lahat ng worries ko
na baka magaya ako sa Mama ko, na baka
nakuha ko yung sakit niya, nawawala lahat
ng 'yon kasi alam kong nandyan lang siya.

It would be hard to keep moving,
with all the loose ends we've left unsown

Babalik ka naman diba? Babalik ka sabi mo.
Please, bumalik ka. Magpagaling ka.
Kasi idadala mo pa ako uli sa pinuntahan
natin kagabi.

Should I try to let you know,
how it kills me that you let me go

Saglit lang naman yon diba? Babalik naman siya
sabi niya? Hindi niya ako ni-let go permanently.
Kakaamin lang namin sa isa't isa kagabi, hindi pa
kami nagsisimula, hindi puwedeng matapos
kaagad 'to. Please...

My head is in the clouds, now, so are you
I left my heart on the ground along with you
This space is creeping in and
I don't know what to do
Now, let this love take flight
Take me back, take me back to you

Mas lalo akong humagulgol nang marinig
ang boses niya. It's him . . .

Good Night, Sweet DreamsWhere stories live. Discover now