V. Finale

3 1 0
                                    

CHESTER P.O.V

"Mommy, bakit po walang gifts si Christof?" inosenteng tanong ko habang nagbubukas ng mga regalo na ibinigay sakin ng mga ninang ko. Kakatapos lang ng pasko at excited ako na buksan ang mga natanggap ko pero nalulungkot ako.

Si Christof kasi na kambal ko ay walang gifts tulad ng akin. May gifts siya pero hindi nakawrapper.

"Bawal kasi sa condition ng heart ng kapatid mo eh." Hinaplos ni Mommy ang buhok ko habang nakatingin kay Christof na nilalaro ang laruang kotseng binigay ng Auntie namin.

"Bakit po?"

"May sakit kasi siya sa puso, anak."

"Bakit po may sakit siya sa puso?" masakit ba ang heart niya? Dumudugo ba ang heart ni Christof?

Tumingin ako kay Mommy nang hindi siya sumagot. Lumabi ako nang makitang tumulo ang luha niya, parang may tumusok sa heart ko kaya yinakap ko si Mommy.

"Gagaling po ba si Christof, Mommy?"

"O-Oo naman, Christof will be alright."

Kumurap kurap ako. "Ano po kailangan gawin? Gagamutin po ba siya ng Doctors?"

Nakangiting hinaplos ni Mommy ang pisngi ko. "Oo, gagamutin siya ng Doctors."

Ngumiti ako at lumapit kay Christof nang mabuksan ko na ang gifts ko tulad ng kanya. Naglaro kami, gusto ko sana ng hide and seek, talon talon at takbuhan pero bawal sa kambal ko. Not good for his health daw.

Madalas nasa hospital si Daddy at si Christof, si Mommy at ako ay naiiwan sa bahay. Nurse kasi si Daddy tapos si Mommy naman ay may work din pero office ata yun.

Hindi ko madalas makasama si Christof, nalulungkot ako kasi lagi siyang nasa Hospital and Hospital is for sick people. Laging healthy foods ang kinakain niya at di siya nakikipaglaro sa amin. Pag birthday niya ay walang party. Nakikita ko rin si Mommy at Daddy na umiiyak kapag nahihirapan si Christof na huminga.

"Gusto ko po maging Doctor para po mapagaling ko ang kapatid ko," yun ang sagot ko nang tanungin ako kung anong gusto kong maging paglaki.

Pero... Mahina daw talaga puso ni Christof. Sabi ng mga Auntie ay mamamatay daw si Christof, kailangan daw ni Christof ng new heart para gumaling siya. Pag binigay ko ba ang heart ko ay gagaling si Christof? Makakapaglaro na ba siya sa labas at may party na sa birthday niya? Makakapag school na rin ba siya?

"Daddy, I want to give my heart to Christof po para di na po siya laging nasa Hospital," sabi ko kay Daddy nang sabay sabay kaming kumain, wala na naman si Christof kasi mas nauna siyang matulog.

Nanlaki ang mata ni Mommy at Daddy. Nakatingin sila at di makapaniwalang tumingin sa akin.

"Para po, magaling na si Christof diba? Sabi nila Auntie ay kailangan niya ng bagong heart-"

"Anak." Pinutol ni Mommy ang pagsasalita ko. Kumirot ang puso ko nang makitang nakita siya.

Nasasaktan ang puso ko pag nakikita ko si Mommy at Daddy na umiiyak.

"Hindi mo gagawin yun, maliwanag? Gagaling si Christof, hindi mo ibibigay ang heart mo."

Hindi ko alam pero gusto ko ibigay ko heart ko kay Christof. Nang medyo umayos ang lagay niya ay nakapaglaro na din kami ulit pero muling bumalik ang pagpunta niya sa Hospital pagkatapos ng isang taon.

Umiyak ako nang umiyak habang nasa classroom. Narinig ko sila Mommy kagabi na umiiyak kasi nahihirapan na si Christof.

"Ang pangit mo! Di ka dito belong! Wala kaming kaklaseng pangit!" Natigil ako sa pag iyak nang marinig ang tinig ng isang lalaki.

15 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now