I.

5 1 0
                                    

Pangit, tigyawatin, pinipig, maitim, kulot, halimaw, tiyanak, isda at marami pang mga katawagan o pang aasar. Akalain mo, Elle lang naman ang pangalan ko, yun ang nakasulat birth certificate ko pero kung ano ano ang itinatawag nila sa akin.

Siguro, ganun nga kapag hindi maganda'

Nakatatak na sa puso't isipan ko ang turing sakin ng mga taong nakapaligid sakin. At bakit hindi matatatak kung pati pamilya ko ay ganoon ang tingin sakin? Pero kahit na ganoon, mas okay kung pamilya ko dahil madalas ay pang asar lang iyon pero kapag galing sa ibang tao? Galing sa kaibigan? At lalo na paggaling kay Crush?

Nawawasak ang puso ko. Bumababa ang tingin ko sa sarili ko pero kahit na ganoon hindi ako sumusuko! Laban lang kung laban!

Excited kong inayos ang lunch box na ibibigay ko kay Ken na siyang crush ko mula pa noong Grade 7, Grade 10 na ako ngayon at ngayong taon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na umamin sa kanya. Apat na taon, sabi nila, pag lumampas ng apat na buwan ang pagka-crush mo sa isang tao, ibigsabihin ay mahal mo na.

Nakagat ko ang labi sa naisip. Mahal ko na siya? Baka nga mahal ko na si Ken. Napahagikhik ako at nagmadaling itinapos ang ginagawa ko para maibigay ko na sa kanya. Naririnig ko na rin kasi ang sermon ni Mama na bilisan na namin ang pagkilos dahil baka malate kami.

"Ma, alis na kami," paalam ko sabay senyas sa kapatid kong nauna na sakin

"Sige na, magsilayas na kayo para makapagpahinga ako!" napailing nalang ako sa sinabi ni Mama saka ako humabol sa mga kapatid ko, dalawa silang elementary, si Nika ay Grade 6, si Noel naman ay Grade 3.

Matapos ko silang ihatid sa school nila ay pumunta na ako sa room ko, may pambayad ako sa tricycle dahil 40 ang baon ko pero dahil nag iipon ako ay naglalakad ako papunta sa school. Ramdam ko na ang tingin sa akin ng ibang mga estudyante, wala nga silang sinasabi pero ang mga tingin nila, masyadong mapanghusga.

Hay nako! Sarap mabuhay sa Earth!

Nang makarating ako sa room namin ay lumawak ang pagkakangiti ko nang makitang nandoon na si Ken kasama ang mga kaibigan niya, nakaupo lang siya sa gilid at nakikisabay sa biruan.

"Uy, Beshie! Para sakin ba yan?" biglang sumalubong sa akin ang mukha ng pinakamaganda kong bestfriend, siya lang naman ang bestfriend ko kaya dapat may title.

Pero maganda naman talaga siya, maputi at makinis ang balat, mahaba ang makapal at malambot niyang buhok na madalas ay nakatirintas, matangkad at isang simbolo ng dalaga ang kanyang ganda kaso bonak naman at ang gaslaw.

"Hindi. Abuso ka na ah, wala pa nga yung bayad mo last week," ngumuso siya, heto pa, ang cute niya pag ngumunguso, ako lang naman tong taga sanaol.

"Wala pa akong money! Pero para kanino yan? Para kay..." naningkit ang mata niya at tinusok ang tagiliran ko dahilan para samaan ko siya ng tingin.

"Para kay... K-Ken," humina ang boses ko, napatakip naman siya sa bibig habang nanlalaki ang mata.

Hinawakan niya ang balikat ko at mahinang tinulak tulak. "Go lang beshie, suport kita diyan," impit ang kilig niyang sabi at hinampas pa ang braso ko, nakakainis rin tong kiligin eh, namamalo.

Buti pa ako. Pagkinikilig kunwaring waepek pero sa loob loob ko ay gustong gusto kong tumili sa sobrang kilig.

"Alis na diyan, ibibigay ko na sa kanya," agad naman siyang tumango at kumindat sa akin.

Huminga ako ng malalim habang naglalakad papunta sa pwesto ni Ken, ramdam ko ang tingin ng iba kong kaklase pati ang bulungan nila ay naririnig ko kahit sobrang lakas na ng pagkabog ng puso ko.

15 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now