III

2 1 0
                                    

"Pumasok ka iho, hayaan mo yang anak ko, nagpapahard to get lang yan," ani ni Mama na kinalaki ng mata ko. Pinandilatan ako ni Mama pero pagharap kay Chester ay ngumiti siya ng todo.

"Salamat po tita" saad naman ni chester at pumasok nga, huminga ako ng malalim at napailing nalang.

Nang makapasok si Chester ay agad siyang nilapitan ng mga kapatid ko. Bumaling naman si Mama sa akin na medyo masama ang tingin pero nanunukso ang mga mata.

"Aray!" napahiyaw ako nang biglang kurutin ni Mama ang singit ko, tuloy ay napatingin sila sakin.

"Wag ka ng magpakipot, hindi ka kagandahan." Ngumuso ako, grabe talaga to sakin.

"Ma naman."

Ngumiwi siya. Mas lumapit pa sakin. "Gwapo, paniguradong magiging gwapo ang mga anak niyo kung magmana sa kanya pero kung magmana sayo, yun lang, wala na tayong magagawa." Halos malaglag ang panga ko sa pinagsasabi ni Mama.

"Ang tanong eh may datong ba? Mayaman?"

"Ma!" hindi ko na napigilan. Kung ano ano kasi ang pinagsasabi niya. Nang iinsulto na rin eh, parang iniinsulto niya rin sarili niya kasi alam naman naming magkamukha kami. Tapos kakakilala niya lang kay Chester, anak na agad? Hindi nga kami tapos anak?? Masyadong advance.

Hindi rin naman yun mangyayari.

Ngumiwi ulit siya at automatic na ngumiti siya nang bumaling kay Chester. Nakakainis din itong Chester na to eh, ayaw magpapigil, gusto akong ihatid para daw makilala niya daw ang pamilya ko. Parang sira lang.

Ito na ang ika-siyam na araw. Umiiksi ang panahon. Kahit na wala siyang sakit ay para naring may taning ang buhay niya. Matapos ang ikalabing limang araw ay mawawala din siya sa mundo. Araw araw at gabi gabi nalang akong nagdadasal, humihiling na sana magmilagro at mayroon ng donor para sa kambal niya.

"Iho, anong trabaho ng magulang mo? May ari ba ng mall o motel? Baka naman, artista? Gwapo ka kasi. Tsaka, hindi halatang may gusto ka sa anak ko ah, hindi naman yan kagandahan, bakit mo nagustuhan?" Natauhan ako nang marinig ulit ang boses ni Mama, napairap ako.

"Mama naman."

Natawa naman si Chester at lumingon sa akin. Sinimangutan ko sila at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng tubig.

"Maganda naman po sh Elle ah... tapos mabait pa, matulungin tsaka matalino, masipag, matapang din po..."

Natigilan ako sa paglalakad. Sa oras na iyon ay narinig ko ang pagkabog ng puso ko, sa sandaling iyon ay biglang bumagal ang pag ikot ng mundo at tanging boses lang ni Chester ang tinatanggap ng tainga ko. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at napapikit ng mariin.

"Ay naku! Naniniwala na talaga ako sa Love is Blind! Ginayuma ka ata ng anak ko eh. Elle, magtimpla ka ng juice," saad ni Mama. Ipinilig ko ang ulo at binalewala ang malakas na pagkabog ng puso ko.

Hindi yan pwede, Elle.

Hindi ka pwedeng magkagusto sa lalaking yan.

Aalis siya. Iiwan ka niya. Maliwanag ba?

Bumuntong hininga ako. Makalipas ang ilan pang minuto ay nagpaalam na rin si Chester. Hinatid ko naman siya sa sakayan. Habang naglalakad kami ay rinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Bakit ang tahimik mo? Galit ka ba kasi pasaway ako? Sorry na, gusto ko lang talaga makilala ang pamilya mo."

Huminga ako ng malalim at lumingon sa kanya. "Hindi naman ako galit."

"Eh bat ang tahimik mo?" nakasimangot niyang tanong.

"May iniisip lang... Sandali palang tayong nagkakilala. Ika-siyam na araw simula nang magpakilala ka sakin. Gusto kong pabagalin ang oras pero gusto ko din na sana noon ka pa nagpakilala." Natahimik siya sa sinabi ko pero nagulat ako nang maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.

Nakatingin siya sa harap niya kaya naman hindi niya nakikita itong sigurado akong namumula kong pisngi.

"Ba't kasi ang torpe ko?"

"Chester, ano ang tatlong what if mo?" pag iiba ko ng topic.

"What if? ah, siguro. What if walang sakit sa puso ang kakambal ko? What if nagpakilala ako sayo noon pa? What if may dumating na donor para sa kapatid ko para hindi ko na ibigay ang puso ko?" napatungo siya matapos sabihin iyon, nakita ko ang pagtulo ng luha niya na nagpakirot sa dibdib ko.

"Sorry..." nasambit ko at yinakap siya. Yinakap niya ako pabalik, hinayaan ko siyang yakapin ako ng ilang segundo. Nang may makitang tricycle ay agad akong pumara at pinasakay siya sa loob.

Pagbalik ko ay laking gulat ko nang makita si Mama sa labas na animong naghihintay sa akin.

"Hinintay mo ko Ma?"

Nagtaas kilay siya. "Hinintay? Hindi ah, nagpapahangin lang eh."

Ngumiti ako. Kahit kinakabahan at nanginginig ang kamay ay yinakap ko siya. Ito ang unang beses na yinakap ko siya magmula noong 10 years old pa ako. Tumaas ang balikat niya, nabigla sa ginawa ko.

"Ma, may aaminin po ako. Gusto ko na po si Chester pero h-hindi ko siya dapat magustuhan kasi malaki ang posibilidad na iiwan niya ako."

"Mukha namang m-matino ang batang yun."

Hindi ko napigilan ang pagluha. "Ibibigay niya ang puso niya sa kambal niya. 15 days lang tapos ika siyam na ngayon, unti nalang Ma. A-Aalis na siya."

"Edi yung kambal niya nalang mahalin mo." Mas lumakas ang pag iyak ko sa sinabi ni Mama. Hindi naman ako nagjojoke pero ginagawa niyang biro ang sinasabi ko. Minsan na ngalang ako maging sweet eh.

"Ayokong masaktan ka pero masasaktan ka parin. Wala akong magagawa kung nagmamahal na yang puso mo." Bumuntong hininga siya at hinawakan ang mukha ko. Lumabi ako sa kanya.

Ngumiwi siya. "Pangit mo. Magpunta ka sa Watson bukas, mamili ka ng pampaganda, pampapaputi at pampakinis. Mahiya ka naman, ang gwapo gwapo ng lalaking gusto mo tapos ikaw? Di ka manlang nag aayos?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako pero gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"Nagdadalaga pero mukhang nanay ang istura." Sumimangot ako.

"Mama!?" Pinandilatan niya ako at sinenyasang pumasok sa loob.

Kahit kailan talaga.

KINABUKASAN ay inaya ko si Chester na samahan ako sa watson, sabi niya kasi ay may alam siya sa skincare. Talo pa ako na babae.

"Elle!" dahan dahan akong napaangat ng tingin sa tumawag sa akin. Unti unting sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita siya.

Tumakbo siya palapit sakin at inakbayan ako. Inalis ko naman agad yun kasi bukod sa hindi ako kumportable ay nabibigatan pa ako sa braso niya.

Ngumisi siya. "Sige, hawakan ko nalang ang kamay mo."

Hinayaan ko nalang ang paghawak niya sa kamay ko. Kung tutuusin ay mas malinis siya sa katawan kaysa sakin, araw araw daw siyang naliligo tapos naghahalf bath pa sa gabi, tatlong beses na nagtoothbrush, may alcohol sa bulsa, laging nagsusuklay, nagugupit ng kuko, laging mabango, at lagi ring plantsado ang suot niya.

"Ito, maganda to sa mukha, pati na to..." napasimangot ako nang magdagdag pa siya nang magdagdag sa cart na dala namin.

"Chester, wala akong pambayad sa mga nilalagay mo, puro mahal," inosenteng lumingon siya sakin.

"Its okay. Libre ko," aniya habang nakangisi.

Inirapan ko siya. Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. "Wag ka na malungkot diyan, isipin mo nalang bayad ko to sa pagsama mo sakin araw araw diba?"

Napilitan akong tumango. Siya ang halos namili ng mga products, sinabi niya pa sa akin kung paano gamitin ang mga iyon kahit na may direction na nakasulat sa likod. Pati make up ay nagbili din siya kahit hindi yun kasama sa bibilhin ko.

"Wag ka nga sabi malungkot, sige ito nalang. Bayad mo ay doon ka sa amin magdinner."

"Ha?"

Pinisil niya pisngi ko. "Ang cute mo, tara na nga."

Napakurap ako. Ano bang pinagsasabi niya? Tsk, nagwawala tuloy ulit ang puso ko. Pero ang sinabi niya... doon ako magdidinner sa kanila? Kasama ang pamilya niya?

15 DAYS WITH YOUWhere stories live. Discover now