Pagkatapos kong maghugas ng mga plato at ilagay ito sa lagayan ay isinara ko naman ang mga bintana at pintuan tsaka ako naglinis ng katawan at ng mahihiga na sana ako ay may kumatok sa pintuan namin.

“Sino naman kaya iyon?” tanong ni mama at bumangon para pagbuksan ito ng pinto.

Sumunod rin ako sa kanya at nakitang si aling nena ito.

“Ali! Buti gising ka pa ikaw talaga ang sagya ko kaya ako na parito.” sabi ni aling nena.

“Bakit ano po ba yun?” tanong ko sa kanya.

“Bukas na kasi ang alis na ‘tin nabago na.”

“Ha! Ang akala ko po ba sa makalawa pa yun.” Nagtataka kong tanong.

“Kaya nga eh!, Yun rin ang alam ko. Ano tutuloy ka pa rin ba?” nag aalinlangan niyang tanong sa ‘kin.

Tumingin ako kay mama na tahimik lang na nakikinig sa usapan namin ni aling nena, ng makita kong ngumiti siya at tumango na sinasabing pinapayagan niya pa rin akong tumuloy ay hinarap ko si aling nena at sabay sabing. “Tutuloy po ako.”

“Oh, sige na hija, mag empake kana maaga pa tayo aalis bukas para iwas trapik na rin.” huling sabi ni aling nena bago siya nagpaalam sa ‘min na aayusin niya na rin raw ang mga dadalhin niya bukas.

Ako naman ay tinutulungan ni mama mag empake ngayon, siya pa nga ang naglalagay sa bag na dadalhin ko eh.

“Oh! bakit ganyan yang mukha mukha mo? Ganda?” Tanong ni mama.

“Eh ma, sayang kasi dapat bukas makakapag bonding pa tayong dalawa tapos……hay!” bumuntong hininga na lang ako.

Sayang naman talaga eh binigyan pa naman ako ng pera ng amo ko na gagamitin ko sana para bukas sa ‘min dalawa.tss.

“Okay lang yun Ganda. Masaya nga ako at naisip mo pa yun. Hala! Segi matulog ka na ako na ang bahala sa mga dadalhin mo.”

“hindi ma ako na dyan, kayo ang matulog na.” Inagaw ko sa kanya yun mga damit na hawak niya at ako na ang naglagay sa bag pero hindi siya nakinig nagpatuloy parin siya. Dalawang bag ang dala ko para bukas, yun una mga damit ko isinama ko rin ilagay roon ang photo frame na picture na magkayap kaming dalawa ni mama para kapag namimis ko siya ito nalang ang yayakapin ko, at yun pangalawa naman ay mga necessities ko, gamit sa pagligo tulad ng sabon shampoo may toothpaste at toothbrush pa si mama na inilagay. Nang matapos ay sabay na kaming natulog na dalawa.

Nang magising ako wala na si mama sa tabi ko ng pumunta ako sa kusina nandoon na siya nagluluto, napailing nalang ako. Sinabihan niya na akong maligo kaya yun nga ang ginawa ko pagkatapos ay nagbihis na rin ako ng pang alis ko mamaya. Paglabas ko sa kwarto saktong tapos na rin sa paghahain si mama kaya kumain na rin ako.

Pagkatapos kung kumain ay inihanda ko na ang mga dadalhin ko at nang aalis na ako ay mahigpit kong niyakap si mama, natawa siya at sinabing hindi na daw siya makahinga kaya bumitaw na ako.

“Alisha! Tara na mahuhuli na kayo nag aantay na si aling nena sa ‘tin.” tawag ni max.

Siya daw kasi ang sasama sa 'min para ihatid kami sa sakayan ng terminal papuntang manila. Hindi na daw kasi sasama si mama baka umiyak lang daw siya at hindi na ‘ko tumuloy pa, natawa ako sa rason niya ngunit kung mangyari man iyon siguro yun nga ang gagawin ko, kaya wag nalang.

“Alisha, apo, mag iingat ka roon ha!” niyakap niya ako ng mahigpit, niyakap ko rin siya pabalik at tumango sa kanya nagtagal pa iyon ng ilang minuto bago siya bumitaw sa 'kin at sinabing malalate na raw ako at baka maiwanan ng bus. Kihuna ko na ang mga dadalhin ko at nagsimulang maglakad sinundan niya naman ako hanggang sa makalabas ng amin gawa sa kahoy na gate.

My Personal YayaKde žijí příběhy. Začni objevovat