Chapter 38

7.5K 116 21
                                    


---

Eat lunch together? Does that mean he's gonna go to the hospital?

"Why?" I asked, napakagat labi ito bago humakbang palapit sa 'kin.

"Kael have his session today so I'll make use of that to spend time with you."

Napaangat ang kilay ko at napaiwas ng tingin.

Shit, ba't ako kinikilig?

"Okay," Sabi ko at tumalikod na.

"See you!" Pahabol niya kaya di ko maiwasang mangiti. Hindi niya naman ako nakikita eh.

I guess I have to talk to him about our break up. I can see his efforts naman na he wants to be with me again.

Marupok ba ko?

But I'll go talk to him next time, pag nakauwi na si Dad. I don't know when he'll be here though. Pero tatawag naman ata yun.

Nang makarating sa hospital ay gaya ng dati, busy lang rin naman ako. I do rounds with Ellie sometimes with Drake or Kalen and Aziel. Ngayon ay si Kalen ang kasama ko kaya siya ang guguluhin ko.

"Where were you last last night?" I asked him.

Di kasi siya sumama eh uminom kami sa condo ni Drake.

"Condo." Sabi niya at nilingon ako kaya pinanliitan ko ito ng mata.

"Why didn't you come with us? Katabi lang ng condo mo yung pupuntahan."

He looked away.

"I'm busy." Sabi niya at nagsimula na ulit maglakad kaya napataas ang kilay ko. May tinatago!

"With?" Tanong ko but he just shrugged and walked faster. "Whom?" I added pero agad na itong lumayo.

I chuckled. Huli!

Napangiti naman ako dahil sa ginawa nito. Napaghahalataan eh. Bahala nga siya jan.

Hinayaan ko na siya at ginawa na lang namin trabaho namin.

It was almost lunch so we went to Agezho's room. Dito kami lagi eh para may kasama si Audrey.

Kaya lang naalala ko, si Archer pala kasabay ko ngayon. Hindi pa naman siya nagtetext. Siguro mag tetext naman yun kung nandito na siya, diba?

Kaya nakipag kwentuhan na lang muna ako sa mga kaibigan ko. It's good to see that Audrey's starting to be comfortable towards us.

Dati kasi ay hindi eh, maybe because naninibago pa siya at pati kami ay hindi rin gaano marunong makisama sa iba kasi nasanay ng kami kami lang. Ngayon ay we're trying our best not to leave her behind.

"Tahimik ni Aziel, ah." Sabi ni Drake kaya napalingon kami kay Aziel.

"Hmm?" Sabi lang nito at sinandal ulit ang ulo sa headrest ng sofa.

Napakunot noo naman ako dito. He looks pale.

"May sakit ka ba?" I asked him, nag angat ito ng tingin niya sa 'kin at umiling.

Napataas ang kilay ko sa kanya. Si Kalen ay tinaasan rin ito ng kilay. Si Drake ay kumunot ang noo at si Ellie ay napatitig kay Aziel, mukhang 'di alam ang gagawin. Si Audrey ay nakatingin kay Aziel.

"I just don't feel well." Sabi nito at sumandal ulit sa headrest ng sofa.

"Dun ka na sa office mo, Aziel. We'll just bring you your food." Sabi ni Kalen.

"Yeah, bro. I'll go order." Sabi ni Drake at tumayo.

Tumayo naman si Aziel pero mukhang matutumba ito kaya napatayo ako para sana hawakan siya ngunit naunahan na 'ko ni Ellie. Napangiti ako at umupo na lang ulit.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Where stories live. Discover now