Chapter 31

6.6K 102 34
                                    


---

It was still early when I woke up the next day. Napanguso ako ng maalala ang sinabi ni Archer kagabi. Watch him make sure I'm gonna be his last, huh?

Who said I'll just be watching? I'll also make sure of that!

Nag ayos ako bago umalis na ng condo. May usapan kami ni Ken.

Si Archer ay mahimbing ang tulog kaya hindi ko na siya ginising. I cooked breakfast for him before taking a bath and leaving.

I only texted him na 'Aalis na 'ko and I'll be back after or before lunch.'

I called Kendric ng makarating ako sa hospital. Hindi na ako bumaba at nagpakita sa mga nandon dahil baka magtaka pa sila bakit ako absent tapos nakita nila ako na wala namang sakit.

"Where are you?" I asked when he answered.

"Pababa na."

"Okay,"

Lumabas na akong kotse matapos ang tawag na iyon.

Hindi nagtagal ay nakita ko na siya na lumabas ng elevator. Nangiti ako agad at lumapit pa sa kanya para salubungin siya ng yakap.

I hugged him tight and he did, too.

"I missed you, oldie!" Sabi ko dito pagkahiwalay.

Tinignan ako nito ng masama at inirapan kaya natawa ako.

"I missed you, too. Pero tara na." Sabi nito at hinila pa ako pabalik sa kotse ko.

He has a driver pala with him. Pinaalis niya na ito kaya binigay ko sa kanya yung susi ng sasakyan na hiniram ko lang naman sa kanya.

"You still didn't buy your own?" Tanong niya habang iniistart ang sasakyan.

"Nakakalimutan ko. I'm so busy." I pouted.

"Busy pero may time mag boyfriend." Nang aasar na sabi nito kaya inirapan ko siya.

"Meant to be kami, eh." Sabi ko and shrugged. "It just happened."

Duh! Meant to be talaga kami ni Archer, hindi ko maiwasang maniwala.

Isipin mo yun, after years, siya pa rin. At, ang dami pang circumstances bago naging kami. Akala ko taken siya tapos hindi pala. Baka ibig sabihin non, magiging taken na siya soon. Kasi nandito ako, diba?

Nailing ako sa naiisip. Nababaliw na yata ako kay Archer.

Natawa ito sa 'kin dahil sa sinabi ko. Pinanliitan ko tuloy siya ng mata.

"Ikaw, you don't have a girlfriend?"

"Sakit sa puso lang yan." Natatawang sabi nito.

Mas lalong nanliit ang mata ko sa kanya. Bakit? May sineryoso na ba siya? Taga New York ba? Or Hawaii?

Oh wait... is it still her?

I hope not. It's complicated now.

"You had a lot of girls, though. Were they serious ones or just flings?" I asked him kaya napahalakhak ito.

It was just an assumption. Hindi ko alam kung meron nga ba talaga. Wala akong balita tungkol jan. Wala na rin naman siyang 'dating rumors'. Dinaig pa ang celebrity ng gago!

"How did you know?" Tumatawang sabi nito kaya napairap ako.

Meron ba talaga?!

I then remembered his Instagram. Maraming tagged photos doon noon. Iyon rin ang ginagamit kong rason sa kanya noon pag nalalaman ko sino kadate niya. Back when he's still in college and I'm in highschool who's too passionate about catching him with a girl.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Where stories live. Discover now