Chapter 25

6.9K 145 16
                                    


---

Namula ako dahil sa sinabi niya at binaling agad ang paningin sa pagkain.

"You waited for me?" I asked before eating a spoonful.

"Yes, di ka pa tapos eh." Sabi niya kaya nilingon ko ito ulit.

Nginuya ko muna ang pagkain at nilunok bago nagsalita ulit.

"What if natagalan ako, you'll be staying here for a long time." Sabi ko dito pero napataas lang ang kilay niya and shrugged.

"So?"

Napairap ako sa kanya dahil sa sagot niya.

"Who's with your cousin?" I asked him, kasi nandito siya eh so sino nagbabantay.

"Manang," Napatango ako at nagpatuloy na kumain.

He didn't talk anymore and just watched at me while I'm eating. Nakakaconscious tuloy! Pero ayaw ko naman siyang sawayin dahil baka asarin niya lang ako.

Ng matapos ako kumain ay tumayo na kami at pumunta ng elevator.

"Until what time is your duty?" He asked while he's leaning at the elevator wall, his eyes are on our hands that is intertwined and he's playing with.

"6 pm,"

"Okay, I'll go home then." Sabi nito kaya napaangat ang kilay ko.

"You weren't planning to?" I asked him.

"My plan is wherever you are." He even winked at me kaya napakurap kurap ako at namula.

Bumukas na ang elevator sa floor niya kaya napaayos na ito ng tayo.

I thought he'll go out na agad but he pulled me and gave me a smack on the lips before going out.

"See you later, babe!" Sabi nito sa mapang asar na tono bago pa sumara ang pinto.

Natulala ako sa sumarang pinto dahil sa ginawa niya. Natauhan lang ng bumukas ulit ito at may pumasok na nurses.

Ugh, mabuti na lang at kami lang dalawa doon kanina! Medyo napaikot pa ko ng mata para tignan kung may cctv dito.

Baka isipin nung nagbabantay ay inuuna ko love life kesa sa trabaho! Sana walang nakakita!

Amp, ang landi naman kasi ni Archer! Pero ako rin pala.

My afternoon went well, the patients are okay ngayon. Mabuti at walang naeemergency. Nakakatakot kasi pag ganon, it's either they'll live or they'll die. Hays.

Ng mag 6pm ay agad tumunog ang phone ko. Napakunot tuloy ang noo ko, ni di ko pa nga naalis ang coat ko eh!

I answered it while I'm on my way to Aziel's office.

"Hello?" I answered not knowing who's on the other line.

"Where are you?" Napakagat labi agad ako ng marinig ang boses ni Archer.

"I'm on my way to the parking lot." Sagot ko kahit papunta pa lang akong office ni Aziel.

Wala namang tao doon pag dating ko kaya naghubad na lang agad ako ng coat at sinabit sa sabitan. Ng matapos ay umalis na ako agad.

"Okay, I'll wait for you in front of your condo." Sabi nito bago binaba ang tawag.

Di naman nagtagal ay nagdadrive na ako pauwi, nakakainis nga dahil traffic eh!

Ng makarating sa condo ay nandon nga si Archer, nasa labas lang. He already changed his clothes na pala.

"I told you, just save your fingerprints here." Sabi ko dito ng makalapit.

Relinquished Destination (T.R.A.V.E.L SERIES # 2)Where stories live. Discover now