6

3 0 0
                                    

 Blake's pov

"Hello?" sagot ko sa telepono
"Ahhh oo nga pala hahaha..... oo nakakuha na ko ng sample...... oo naman syempre pwedeng pwede na namin gawin ngayon din....... sige sige..... walang ano man ano ka ba? Para san pa't naging magkaibigan tayo..... alam ko alam ko..... sige na marami pa kong aasikasuhin.... bye" sabay patay ko sa telepono

                           
Asher's pov

"Lola nakita nyo po yung toothbrush ko?" Tanong ko kay lola habang tinutulungan syang magluto ng almusal namin

"Hinde, hindi ba dinala mo iyon kahapon?" Nagtatakhang tanong ni lola

"Opo, sa bag ko lang nilagay yon la eh kaso pagtingin ko sa bag ko kanina wala na kaha po akala ko kinuha nyo"

"Aba'y bat ko yun kukunin, anong gagawin ko dun ? Ipangtututbras?" Tanong ni lola sakin ng may nanlalaking mga mata

"Baka po kase gusto mong ipangtoothbrush yon la" lumaki lalo ang mata ni lola kasabay ng paglaki ng butas ng ilong nya "Bwaahahahaha lola wag kang gumanyan ampangit mo hahaha" tawa ako ng tawa ng biglang may bumatok saken

"Bilisan mo nagugutom nako, mamaya ka na mag saya pag busog na ko" sagot ng magaling kong kakambal

Donna's pov

"Kevin ohh!" Hayyyy nagpapasahan nanaman sila ng bola dito sa loob ng classroom. Di ba sila nagsasawa, palagi silang nakakatama dito ng bola. Kung gusto nilang mag basketball dun sila sa court

Pagod akong tumungo sa desk ng upuan ko, masyado akong napuyat dahil dinamayan ko pa si lola sa paghihinagpis nya. Kung pwede lang na ako nalang makaramdam nun at hindi na si lola, ayokong makitang ganun sya nasasaktan ako

Nagulat na lang ako ng may tumama saking bola sa ulo, napaangat ang ulo ko dahil dun

"Awww" mahinang sabi ko

"Sorry" sabi ni kevin habang kinukuha ang bola sa sahig at pinagpatuloy ang pagpapasahan nila

"Ayos ka lang ba?" Tanung sakin ni trisha, yung class President namin na mabait. Kahit di kami close lagi  nya akong iniinform sa lahat ng mga bagay or event dito sa school para di ako mapag iwanan.

Ngumiti ako sa kanya at tipid na tumango. Bumalik na ko sa pagtungo sa desk

Huhu feeling ko umalog utak ko kahit wala ako non, nakakainis kasi yang kevin na yan tsk

Alam kong hindi nya sinasadya pero ewan ko ba inis na inis ako sa kanya, siguro kase madalas nya akong asarin at ibully pag wala syang magawa, syempre di ako nalaban noh mamaya malaman pa ni lola hindi na ituloy yung pageensayo nya sakin ng mga natutunan nya sa militar. Sabi ko nga kay asher sumali sya para makakaya nyang ipagtanggol yung sarili nya pero ayaw nya tinatamad daw sya, apakabatugan talaga

Itinulog ko na lang dahil wala din namang mangyayare sa inis ko dahil maiistress lang ako sa kevin na yon

                            *****

"Kyahhhhhh ang popogi nila! Gusto kong pumunta sa concert nila sa saturday kaso sold out na daw yung tickets eh!" Kerengkeng na sabi ng haliparot kong kaibigan na si raul o mas kilala bilang reigh hahaha...
Sya lang ang madalas kong kausap dito sa classroom, magkaibigan na kami simula bata pa lang. May isa pa kaming kaibigan pero nasa davao na nag aaral pero nangako naman syang babalik pagkatapos na syang mag aral don

"Sino ba yung mga sinasabi mong pogi?" Tanong ko sa mahinang boses dahil baka marinig kami ng teacher
"Nayyyy curious si atenggg" sabay kiliti sakin
"Ano kaba baka marinig tayo mamaya matawag pa tayo eh, hindi ko pa naman alam yun sagot" tumawa sya at sinabing...
"Same"
"Ano na?"
"Eto na nga! Atat na atat? Basta sa pogi alert level no.4 ka? My god cassie"
"Donna pangalan ko hinde cassie" napairap naman sya sa sinabi ko at pinakita sakin ang picture ng 7 lalaki na puro mistiso

Napadako ang tingin ko sa isang lalaking nakakulay yellow
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko

"Omg! Bess, type mo ba si Chan yeol?!" Gulantang na tanong sakin ni raul dahilan para mapatingin samin ang ilan sa mga kaklase namin
"Ano ka ba raul! Makasigaw ka naman dyan parang kung ano na" Mahinang sabi ko sa kanya
"Hoy hoy hoy anong raul?! Reigh! Reigh ang pangalan ko hindi raul yuckkkk my goshhh" nandidiring sabi nya

                                



My Father is an IdolWhere stories live. Discover now