2

6 0 0
                                    

Asher's pov

Nakaupo si ming ming sa hita ko habang hinihilot ko yung kamay nya. Nakipag away na naman kasi sya dun sa kabet ng asawa nyang si mining

Mga pusa nga naman oo tsk tsk tsk

"Kelan ka ba magtitino ming ming? Napakabasagulero mo talaga ayaw mo na lang hayaang maging masaya si mining sa piling ng kabet nya.... magfocus ka na lang sa mga anak nyo"

Binaba ko si ming ming at kinuha yung 3 anak nila ni mining na sina miming, miningning, at bunining. Iba ang pangalan ni bunining kase pinanganak sya nung bonifacio day kaya bunining

"Ash nakita mo si mining?"
"Nandun sa kabet nya sa bubungan, naglalandian nakita ko kanina. Sinugod nga ni ming ming eh nagselos ata kalbo nga yung kabet ni mining eh Hahaha"

*si mining ay babae at si ming ming ay lalake

               
                                       *****

"Donna! antayin mo ko ambilis mo naman maglakad eh, kaliit liit mo ambilis mo humakbang" inis na sigaw ko kay kambal. Napaka naman kasi neto eh. Nagprisinta pang kami ang bibili ng ulam, ang init init pa naman

Tumigil sya sa paglalakad at lumingon ng nakapamaywang

"Hoy! anong Donna?! Nasan ang ate?!" inis na sabi nya, kumunot ang noo ko
"Baket aber?" tyaka ginaya ang post nya "Kelan pa kita naging ate?" lumapit sya sakin
"Mas matanda kaya ako sayo ng 5 minutes!"
"5mins lang"
"Atleast mas nauna akong ipinanganak"

Natigil kami sa pagtatalo nang biglang may magtanong samin na babae

"Mga bata ilang taon na kayo?"

"11 na po kami" Si Donna ang sumagot
"Parehas kayong 11?"
"Opo ate kaya nga po "kami" yung sabi ko hindi ako" Napakamot sa ulo yung babae
"Ay sige na neneng, totoy, akala ko mga nasa grade 3 palang kayo, may iaalok sana ako salamat na lang"

                       
                                  



My Father is an IdolWhere stories live. Discover now