1

11 0 0
                                    

"La! Andito na po ang napakacute nyong apo!" Masayang sigaw ko pagkarating pa lang ng bahay namin
"Sino yan? Wala akong cute na apo, Mukhang gorilla at unggoy lang"sigaw ni lola mula sa kusina, napasibangot naman ako ng dahil don
"La naman ih!" sabay padabog na pumunta sa kusina, napatawa naman si lola ng makita ako
"Biro lang apo Haha ikaw naman oo, tampo agad" pagkasabing pagkasabi nun ni lola, nagtamputapuhan ako, Hindi ko sya pinansin at pumunta na lang ng tulugan namin ni Asher

 Si Asher nga pala yung kakambal kong mukhang unggoy, dalawa yung tulugan namin dito sa kubo namin, isa samin ni Ash tapos yung isa naman ay kila lolo at lola, itong kwarto na tinutulugan namin ni ash ay yung dating kwarto ni mama ko. Si lola na lang ang kasama namin ni Ash sa buhay, si lola kase nasa kabilang buhay na este bahay pala.... nasa kabit na nya, iniwan nya na kami nila lola nung 5 years old pa lang kami ni Ash

Kung tatanungin nyo kung nasan yung mama ko...... nasa heaven na sya kasama yung isa pa naming kapatid, Triplets dapat kami kaso kami ni ash lang yung naipanganak ni mama dahil hindi na nya nakaya pang ipanganak yung isa pa dapat naming baby sister

16 years old si mama ng mabuntis sya, hindi ko  alam kung anong eksaktong nangyari. Ang sabi nga saakin ni lolo noon ginahasa daw si mama kay nabuo kami..... pero ang sabi naman ni lola hindi daw yun ang nangyare dahil ginusto daw yon ni mama.... nagkakilala lang daw si mama at papa sa isang bar kung saan nagtatrabaho si mama bilang waitress tapos nakita nyang lasing si papa tapos tinulungan daw ni mama si papa na makatayo at umuwi sa bahay nila tapos nabuo na daw kami. Ang gulo nga ni lola eh hindi ko maintindihan yung iba tapos nung tinanong ko sya kung bakit nya nalaman ang sabi nya kinwento daw sa kanya ni mama ko.

Oo nga pala nakalimutan kong magpakilala. Ako nga pala si Maria Donnalyn May Dela torre, Donna for short. Yung kakambal ko naman ay si Asher Dela Torre. Yung lola ko namang chismosa ay si Remedios

Nagbalik ako sa wisyo ng tawagin ako ni lola mula sa kusina

"Donna! Asan yung kapatid mo? bat hindi mo kasamang umuwi?" Tanong ni lola habang naririnig kong kumakalansing ng mga kutsara, mukhang tapos na nyang lutuin yung Banana que, Naku mapapalaban ako nito!

"May ginagawa ho silang project ng classmate nya, maya pa daw sya uwe" cold kong sabi kunyare para mapanindigan ko ang tamputapuhan effect ko Haha!
"Ay sya pumunta ka na dito para makapagmiryenda kana, wag ka nang mag inarte at hindi kita susuyuin dyan" Hindi ako umalis o kumibo, naupo na lang ako sa papag

"Donna! Pumarine ka na! lumalamig na itong pagkain dine!" hindi pa din ako kumibo "Donna!"nang hindi ulit ako kumibo ay nagsalita ulit sya "Edi Hwag!" Natawa ako sa sinabi ni lola kaya lumabas na ko at baka masampal pa ko, baka masira ang cute kong pagmumukha.... nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa ang kapatid kong kamukha ni baldmond

"Nandito na ang gwapo!" masyang sigaw ni Ash pagkapasok na pagkapasok pa lang
"Anong pagkain la?"

"Aba tignan mo wala ka bang mata?
"k." tipid na sagot ni ash kaya binatukan ko sya
"Para san yon?!" Angil nya sabay hawak nya sa ulo nya"Awwwww" Angil nya pa
"Wala lang bored kasi ako eh" "isa pa nga" tumakbo na sya kaya di ko na sya nabatukan pa.... At dahil don naghabulan na kami sa buong bahay

Napatigil kami sa paghahabulan ng may marinig kaming nabasag.....

"DONNNAAAAAAA!!!! ASHERRRRRRRR!!!! HUMANDA KAYO SAKEN MAMAYA"

nagkatinginan kami ni Ash

Paktay Huhuhu



Tahimik kaming kumakain ng gabihan. Walang naglalakas loob na magsalita samin, Mahirap na, Badtrip pa naman si Lola Remedios dahil sa nabasag naming picture ni Lolo

Biglang may pumasok sa isip ko

May binili pala akong isang pack ng lola remedios kanina sa school, sakto may lamig ngayon si lola, Baka pagbinigay ko sa kanya to hindi na sya mabadtrip samin

"la"
"hmm?" sagot nya ng di ako tinitignan
"Eto oh, Lola remedios, pang hagod ng lamig sa katawan, kasama pati sama ng loob hehe"
"MARIAAAA!"

Hala bakit nanaman T^T








My Father is an IdolWhere stories live. Discover now