3

5 0 0
                                    

Donna's pov

Pagkalabas ko ng school namin dumeretso agad ako sa mga nagtitinda ng street foods sa labas ng school
 
Mahirap pa naman maglakad ng walang laman ang tyan haha!

Hindi ko kasabay umuwi si asher kase sabe nya dederetso na sya sa bahay ng kaklase nya para matapos na agad nila yung project nila

Habang nagtutuhog ng fishball ay may napansin akong lalaking nakatingin sakin, naka all black sya hindi ko masyadong maaninag mukha nya basta maputi sya

Omg! Baka naman kidnaper to! O baka holdaper! O kaya naman bully! Huhu napapanood ko to sa kdrama eh. Alam ko na mangyayare dito, susundan nya ko hanggang sa tumakbo ako tapos mapupunta ako sa walang katao taong lugar kakatakbo tapos tsaka nya ko kukunin huhu lord ayoko pa mamatay plsss help your cute daughter huhuhu

 Nakita ko sa peripheral vision ko na nakatitig pa din sya saken pero Hindi ko pinahalata na napansin ko sya kanina pa gaya ng mga napapanood ko sa kdrama!

Buti na lang at madaming taong nag aawasan na sa school kaya nakahinga ako ng maluwag luwag Dun ako dadaan sa madaming tao para safe, subukan nya lang kunin ako kakaratihin ko agad sya, buti nalang naturuan ako ni lola ng mga self defence dati

Sa kagustuhan kong umalis agad sumabit sa ipit ng bubong ng tindahan yung buhok ko,
Medyo natagalan pa ko  dahil ang hirap alisin nito. Naiwan ang kaputol ng  limang piraso ng buhok ko don

Oo binilang ko! Para alam ko kung ilan yung papatubuin ko huhu wala na yung kaputol ayoko pa namang napuputol yung buhok ko

Napatigil ako sa paglalakad ng may maisip ako

Tekaaaa

Hindi kaya may crush sakin yon kaya nakatitig sakin?! Ooooommyyyygggooossssshhhhh!
Baka nga!!!!!! Whaaaaaaaaa cute mo talagang nilalang donna hayssss

Tinignan ko ang paligid ko kung sinusundan nya ko pero wala na sya

Hayyy sayang di ko natanong name nya


                                  *****

 Nagising ako dahil sa uhaw.....tinignan ko ang cp ko na katabi ko lang

3:43 am

Aga pa pala, humikab muna ako habang dahan dahang tumayo baka kase lumangitngit yung papag na hinihigaan namin ni ash, nakakarinidi pag lumalangitngit

Habang umiinom ng tubig nakarinig ako ng iyak

Whaaaa ano yon?! Mumu ba yon?!

Hindi pa rin tumitigil ang mahinang pag iyak na naririnig ko
 
Nirinig ko itong mabuti at parang nanggagaling yon sa kwarto ni lola. Medyo malayo layo ang kwarto ni lola sa kwarto namin ni ash kaya natatakot ako pero nacucurious talaga ako kaya pinuntahan ko nalang yung kwarto ni lola

My Father is an IdolWhere stories live. Discover now