Hindi ko na lang siya pinansin, baka hindi siya love ng mama niya kaya sa 'kin siya nagagalit. Kumain na lang ako at pinicturan ang paligid gamit ang cellphone ko. Memories din 'to na nakapaggala ako ng mag-isa.
"One ticket po, miss." Sabi ko sa assister ng isang rides. "Thank you." Aniya ko nang makapagbayad ako sa kaniya. "This is Holla Masaya amusement park's ticket, this is valid for one year— aray!" Daing ko nang tumama ang noo ko sa isang pader.
Hindi pala pader! Isang bulto ng lalaki. Matangkad. Base pa lang 'yon sa anino niya, hindi ko pa naman nakikita ang mukha niya. Bakit ba may taong matigas ang dibdib? Muscles ba 'yon? Parang 'yung kay ano lang... ano haha, kalimutan na 'yon.
"Are you okay?" Boses niya, kinamot ko ang noo ko at umuusok ang ilong na bumaling sa kaniya. "Heira..."
Kung minamalas-malas ka nga naman! Dito ko pa makikita ang isa sa mga hudlong. Akala ko pa naman makakapag-enjoy ako ng mag-isa, may asungot pala. Lumayo agad ako kay Chadley at sinamaan ng tingin.
"Bakit ba paharang-harang ka sa daan?! Mukha bang entrance 'to? Do'n pa ang pila! Exit 'to, exit!" Nababanas na saad ko pa habang tinuturo kung saan ako pumila kanina.
"Oh, bakit ka galit?" Natatawang sagot niya.
"Kasi nakita kita?" Sarcastically I answered his question. "Alis ka nga r'yan, shoopi!" Pagtataboy ko pa.
"Bakit hindi ikaw ang umusog? Step right." Aniya, nakikipagmatigasan pa.
Bago ko pa siya masapak ay humakbang na 'ko patagilid, ngunit mas lalo yata akong ginagalit ng kumag na 'to, humakbang din siya kung saan ako humakbang, nagkasalubong ulit kami.
"Oops..." Pumalatak ito.
Humakbang ulit ako, gano'n din siya. Nakaapat akong hakbang pero ginagaya niya 'ko. He's obviously teasing me! Napipikon na 'ko, alam niya namang mabilis akong mapikon.
"Isa pang hakbang mo, mapapango 'yang ilong mo." Pagbabanta ko. Mukhang natakot naman siya sa pwede kong gawin kaya umusog siya ng kaunti para bigyan ako ng daan.
Naglakad na lang ako, ramdam ko ang pagsunod niya. Hindi ba 'ko titigilan ng lalaking 'to? Wala ba siyang kasama ngayon at ako ang ginugulo niya? Parang gusto ko 'atang makasapak ng ex-boyfriend.
"You're with?" Tanong niya, binilisan ko ang paglalakad ko. "You have nothing to company you?"
"Nakikita mo bang may kasama ako?" Huminto muna ako para pakalmahin ang sarili ko.
"Nothing."
"Oh, hindi ba wala naman, e bakit ka pa nagtatanong?!" Hindi naman ako naiinis.
Hindi naman talaga. Hindi. Hindi naman talaga ako naiinis na 'ko!
"Kanina pa mainit ulo mo ah." Kalmadong sabi niya. "Oh, eto ice cream, baka sakaling lumamig naman 'yang umuusok mong ilong."
"Ano?!"
"Wala. Just take and eat it."
Syempre, bawal ang tumanggi sa grasya kaya tinanggap ko. Inabutan niya 'ko ng kutsara, nakaseal pa kasi 'yon. Binagalan ko ang paglalakad ko, hindi naman 'to pwedeng dalhin sa rides, baka tumilapon lang sa ere.
"Bakit wala kang kasama?" Tanong niya ulit. Atat na atat lang, Chadley?
"Kasi wala." Walang kwentang sagot ko sa kaniya.
"How about your bestfriend, Zycheia? Your brother, Kio? Bakit hindi mo sila sinama? Mas masaya kung may kasama ka."
"Dami mong tanong."
Tumawa lang siya, hindi siya nawala sa tabi ko hanggang sa maubos ko ang ice cream na binigay niya. Hinihintay niya ba 'yung bayad? Pansin kong may dala pala siyang camera, tapos panay din ang pagtake niya ng pictures sa paligid. He's fond of photography? Ewan, wala akong maalala kahit na ano about sa kaniya.
"Wala rin akong kasama." Nagsalita siya nang maitapon ko na ang cup.
"So?" Pinagtaasan ko siya ng kilay. Alanganin siyang ngumiti at kinamot ang batok niya. Mga ganoong galawan, alam na alam ko na. "Hindi kita gustong samahan 'no!"
"My treat."
"No."
"I'll buy you a lot of food, kahit na anong gusto mong pagkain, bibilhan kita."
"No."
"I'll buy you a box of chuckie." Napahinto ako sa pag-no sa sinabi niya. Umilaw ang mga mata ko.
"Tara na nga, dapat sinabi mo agad 'yan, para naman hindi tayo nagtagal sa pagtayo." Iniwan ko siya roon at nagmadaling maglakad. Sumunod naman siya. "Siguraduhin mo lang na bibilhan mo 'ko, Chadley. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag hindi ka tumupad sa usapan." Pagbabanta ko.
Napalunok naman siya at muling kinamot ang ulo niya. May kuto ba 'to? Panay ang pagkamot niya mula kanina ah.
"I promised. Nakakatakot ka naman kung magsalita."
"Ayan, mas mabuti ng magkaliwanagan." Kinindatan ko siya, napaiwas naman ng tingin 'tong isa. Apektado pa rin pala siya sa mga kindat ko, feeling ko tuloy may super powers na 'ko.
________________________________________________________________________________
VOCÊ ESTÁ LENDO
Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)
Ficção AdolescenteSoon.
Chapter 266
Começar do início
