HEIRA'S POV
"Yakie!" Kakalabas ko pa lang ng classroom namin ay narinig ko na naman ang pagtawag sa'kin ni Aiden. Hindi ko siya pinansin, sinuot ko ang hoodie ng jacket ko at isinaksak sa tainga ko ang headset na dala ko.
Ano bang hindi nila maintindihan na ayaw ko silang kausap? Hindi pa ba sila masaya na nakuha nilang paglaruan, gamitin at lokohin ang isang tulad ko? Hindi pa ba sila tapos sa mga plano nila at ngayon ay ginugulo pa rin nila ako? Tangina. Ako na nga itong lumalayo sakanila.
Ayaw kong hayaan sila na gaguhin nila ako. Ni hindi ko nga alam kung totoo ba 'yung mga pinakita nila sa akin noong mga nakaraang buwan. ‘Yong pagbabait-baitan nila, 'yung mga tulong nila sa'kin... 'yung mga pagpapasaya nila sa akin.
Mapait akong napangiti at napailing na lang. Malamang Heira, parte lang 'yon ng plano nila. Gusto ka lang nilang mahulog sa patibong na ginawa nila, ikaw naman itong tanga, nagpadala sa mga pinakita nila. Ultimo bestfriend mo nagawa kang paglihiman.
Ngayon, hindi ko na alam kung paanong magtiwala ulit sa mga taong nasa paligid ko. Hindi ko na alam kung paano ako maniniwala sa mga sinasabi nila. Natatakot na akong maloko ulit... natatakot na ako na baka kapag naniwala pa ako at nagpabilog sa kanila ay sarili ko rin ang sisisihin ko sa huli.
"Heira! Sama ka sa 'min, pupunta kami ng park, bili tayo ng barbecue, libre ko." Sumulpot sa harapan ko si Maurence, nasa kaniyang balikat pa ang towel niya, mukhang galing aa practice. Malawak ang ngiti niya pero hindi ko man lang iyon masuklian.
I coldly stared at him. Pinababa ko ang tingin ko sa kaniya, mula ulo hanggang paa. Ipinasok ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at umayos ng tayo. Inalis ko ko ang isang headset sa tainga ko. Dahan-dahang umangat ang gilid ng labi ko, siya naman itong napalunok na lang bigla.
"At sino ka naman para samahan ko?" Tanong ko sa kaniya, ang tono ng pananalita ko ay walang bahid ng kahit na anong emosyon. "Wala akong oras para sa mga ganiyang pakulo niyo... wala na akong oras pa para sa inyo."
Hindi ako tumingin sa mga mata niya, roon ako sa likod niya nakatingin, kung saan nakasandal ang mga Hudlong at parang naghihinay. Hindi ko lang talaga kayang tignan sila dahil bumabalik lang ang memorya ng paglilihim nila sa akin.
Napaatras na lang siya at hindi na nakasagot. Inilingan niya ang mga kaklase namin. Nakita ko naman ang pagbagsak ng mga balikat nila at hindi nakawala sa paningin ko ang pagkalungkot ng mga mata nila, para bang dismayado pa? Ewan ko. Gusto ko na lang umalis at umuwi, buti pa roon tahimik lang at magagawa ko ang gusto ko.
Pahakbang na sana ulit ako nang mayroong umakbay sa akin. Amoy pa lang niya ay kilala ko na kung sino iyon. Tumikhim ako at sinamaan ng tingin, nakangiti siya sa akin kaya napangiti na lang din ako... ng peke. Kung kailangan kong magpanggap na masaya, gagawin ko. Para lang hindi makita ng mga taong 'to na apektado pa rin ako sa kanila.
"We'll go to the nearest mall, do you want to come with us?" Tanong sa akin ng banyaga. Si Rhysth 'yon. Hindi pa rin siya marunong magsalita at makaintindi ng tagalog, kaya eto, ako ang pinapahirapan niya. Pwede namang si Kio ang guluhin nilang dalawa ni Mattheo e.
"Libre mo ba?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya. Napakamot na lang ako sa tungki ng ilong ko. "Hindi nga pala nakakaintindi 'to ng tagalog, tanga mo talaga, Heira." Bulong ko sa sarili ko.
"What? Are you cursing me?" Pinagtaasan niya ako ng kilay. "I thought you are a good person... maybe I'm wrong." Kunwari pa siyang nagpapaawa. Tinampal ko nga ang tiyan niya.
"Tara na nga, dami mong sinasabi." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pero hindi naman siya nagpahila. Mas tumayo pa siya sa kinatatayuan niya. Talagang pinapahirapan ako ng kumag na 'to e. "I said let's go. Just... just you free me, okay? Libre, free? Gets?" Hindi ko na rin alam ang mga pinagsasabi ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)
Fiksi RemajaSoon.
