Chapter 261

43 1 1
                                        

HEIRA'S POV

"Buksan mo na 'tong pintuan na 'to, Yakiesha. Tumitigas na naman ang ulo mo!"

Kanina pa kinakalampag ni Kio ang pinto ng kwarto ko ngunit kahit isang beses lang ay hindi ko siya pinagbuksan. Nananatili akong nakahiga sa kama ko habang nakatingin sa puting kisame ng kwarto ko. Hindi ko na iniinda ang nakakarinding ingay na ginagawa niya. Kahit na sirain pa niya ang pinto ay wala akong pakialam pa. Kung pwede lang na isaksak ko na lang sa mga tainga ko ang unan ko para lang hindi ko siya marinig ay ginawa ko na.

Mula kahapon ay pinipilit nila akong mag-impake ng gamit ko para makaalis na kami sa bahay na ito. Sa bahay kung saan ako lumaki at nagkaroon ng isip. Sa bahay na kung saan kami naging isang masayang pamilya at nakabuo ng mga memoryang dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko. Ang gusto nila ay ibenta na itong bahay dahil sa mansyon ng mga Sylvia na kami titira para samahan ang mga nakakatandang Sylvia.

Ngunit wala akong sinunod kahit na isa sa kanila dahil ayaw ko rin doon. Ayaw kong lumipat kami ng bahay at iwan na lang namin bigla ang lugar kung saan ko nakagisnan. Kahit sila na lang ang umalis at iwan nila ako rito. Mas gusto ko pa 'yong mag-isa ako rito kaysa sa makisama ako sa mga taong wala namang naiambag sa buhay ko.

Oo nga't mga magulang sila ni Mommy pero hindi pa rin ako naging malapit sa kanila kaya hindi nila ako masisisi kung bakit ayaw kong tumira sa iisang bubong kasama sila. Lola at Lolo. Ang ganda sanang sabihin 'yon kung nakilala sila magmula noong bata ako. Ngunit ngayon? Ang tanda ko na, kung kailan labing walong gulang na ako saka susulpot ang mga taong may malaking parte sa buhay ko.

Nakakainis lang dahil hindi ko man lang magawang magreklamo sa kanila. Na sana ay hindi na lang nila kami hinanap, na sana ay hindi na lang sila nagpakita at sana ay hindi lang nila kami ginulo. Sana ay masaya pa rin kami ng pamilya ko. Hanggang ngayon sana ay buo kami at walang iniintinding ibang tao. Hindi namin iniisip na mayroong naghihintay sa amin, na mayroon kaming ibang pamilya na dapat pakisamahan dahil matagal na silang nangungulila sa presensya namin.

All I can do is to shut my mouth and let them to control my life. Being a teenager, is it normal to have a life like this? A life that is not miserable but horrible. Dapat sana ay kasama ko ang tropa na nagliliwaliw sa labas at ginagawa ang mga bagay na normal lang gawin sa isang katulad ko. Pero hindi. Dahil sa pagdating ng mga taong iyon ay nagbago ang takbo ng mundo ko. Parang ang layo na. Ibang-iba na.

My friends are near to me but I feel like we are miles away. Dahil sa isang problema, nagkaroon na ng lamat sa pagitan naming lahat. Hindi pa nakakatulong ang mga schoolmates naming walang ginawa kundi ang pagchismisan kami araw-araw. Sana lang ay hindi na ako balikan ng mga kaaway ko noon dahil baka hindi ko rin makayanan ang mga problema na dapat kong kaharapin.

Why do they need to decide for me? I have my own mind to think of my decisions. And my decision is to stay here even though I am all alone. Kahit wala na akong kasama, kahit iwan na nila ako at magpunta sa mansyon, ayos lang, sanay naman akong mag-isa. Ngayon pa ba ako magrereklamo? E ilang taon na rin naman akong mag-isa, may mga taong nandiyan sa tabi ko pero pakiramdam ko ay wala rin sila.

Sunod-sunod ang mga pagkatok na ginawa ni Kio. Unti-unti na akong naririndi, hindi niya naman mapihit ang seradula ng pinto dahil nakalock iyon, mayroon pa siyang isa pang lock sa taas na hindi maaaring gamitan ng susi. Tumayo na ako at binuksan ang pinto dahil baka sirain pa nila ito. Boredly, I looked at him.

Pulang-pula ang kaniyang mukha, bakas roon ang pagkainis... ay hindi. Bakas doon ang galit niya. Naiwan pa sa ere ang kamao niyang ginagamit niyang ipangkatok sa pinto ko. Kinamot ko ang aking tiyan saka humikab bago ko siya binigyan ng nakakalitong tingin kahit na alam ko naman kung anong pakay niya sa akin. Agad niya akong sinamaan ng tingin na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu