Chapter 263

13 0 1
                                        

HEIRA'S POV

Hanggang kailan ba ako ganito? Hanggang kailan ko iisiping ano ang mga nagawa kong mali para pagdaananan ang lahat ng ito?

Naging mabuti akong kaibigan, mabuti ng anak, mabuting tao. Alam kong nakagawa ako ng mga desisyon na nakaapekto sa ibang tao. Mali ako roon, pero mali pa bang masasabi kung gusto ko lang namang ipagtanggol ang sarili ko?

Pinunasan ko ang luhang kumawala na pala sa mata ko. Sinara ko ang librong binabasa ko at inilagay sa may side table ko. Tumayo ako at sinuot ang tsinelas ko bago ako nangalkal ng pagkain sa may kabinet ko, hindi pa pala ako nakakapaghapunan.

Heto na naman ako. Iniisip kung paanong napunta ako sa ganitong sitwasyon. Mag-isa na naman sa ilalim ng madilim na gabi, pinapagod ang sarili hanggang sa makatulog.

As long as I wanted to remove all the memories of the past in my mind, hindi ko magawa. Paulit-ulit lang ding pumapasok ang mga 'yon sa isip ko, paulit-ulit lang akong sinasaktan, paulit-ulit ko lang sinisisi ang sarili ko.

Kasi kahit na saang anggulo tignan ay kasalanan ko kung bakit ako nag-iisa ngayon, kung bakit ganito ang buhay ko. Kasalanan ko na nagpagago ako sa mga taong akala ko pamilya ang turing sa akin, kalanan kong nagtiwala agad ako sa kanila, kasalanan kong hindi ako sumama kita mommy. Kasalanan ko lahat. Pero rito ako masaya. Ito 'yung gusto kong gawin.

Malakas ang ulan sa labas. Isang buwan na rin akong mag-isa sa bahay, madalas akong bisitahin nina Mommy at pinipilit akong sumama sa kanila, sustentado pa rin ako, at sila ang nagbabayad sa gastusin ko rito sa bahay. Ewan ko ba sa kanila, nagpapakapagod pa silang puntahan ako rito, matigas naman ako.

Nagtimpla ako ng kape ko. Habang hinihintay kong kumulo ang tubig na isinalang ko sa kalan ko ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok. Sa takot ko ay napayuko na lang ako sa lamesa. Sumunod pa ang malalakas na kulog at kidlat kaya mas lalo akong kinabahan.

"Sino 'yan?!" Sigaw ko. Ngunit tanging pagkatok lang ang isinagot niya sa akin. "Sino 'yan! Sumagot ka! Hindi 'yung parang sisirain mo na 'yang pinto." Sigaw ko ulit sa kaniya. Tumigil ang pagkatok niya.

Tumayo ako at umalis sa may lamesa. Pinatay ko ang kalan. Because of my curiosity, I walk slowly towards the front door. Siguro para na rin sa safety ay kumuha ako ng walis tambo at 'yung pamalo sa akin ni mommy kapag late na akong umuuwi. Masakit 'to, namemeklat palagi kapag pinapalo niya 'ko.

Tignan na lang natin kung hindi magkakabakas 'tong taong 'to kapag hinampas ko siya nito. Self defense ba, self defense. Muli akong humugot ng malalim na hininga at binuksan ang pinto.

"Waaaaah!" Palahaw naming dalawa! Paanong hindi ako magsisisigaw, nawala siya sa dilim noong kumulog ng malakas. Maging siya ay napatili na lang. "Aaaah! Multo! Multo! Sino ka?!" Paulit-ulit na tanong ko sa kaniya.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang natumba sa harapan ko. Sakto pa siyang napahawak sa binti ko. Parang nakuryente ako kaya nasipa ko siya. Patay na. Hindi ko naman sinasadya, siya lang naman itong nambibigla.

"Hoy..." Gamit ang walis ay ginagalaw ko ang kaniyang balikat. "Tumayo ka r'yan, hindi po ako nangungupkop ng mga batang iniwan ng nanay." Sabi ko na lang kasi mukha siyang basang sisiw. Hindi siya sumagot. Hindi rin gumalaw.

Lumakas ang tibok ng puso ko. Paano kung napatay ko siya dahil sa sipa ko? Hindi naman siguro, ano? Mahina lang naman 'yon, a little kick to taste sabi nga nila. I bent my knees to see you this bastard is. Buong katawan niya ay basa, sino ba kasing nagsabing magpaulan siya?

"Putangina..." Singhal ko nang makita kung sino 'yon. "Jharylle! Jusmiyo ka!" Sigaw ko sa kaniya at pilit na ginigising. "Ayaw mo talagang magising ha? Sige, eto ang sa 'yo!"

Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ