Chapter 264

11 0 0
                                        

HEIRA'S POV

"E tarantado ka pala!" Kanina pa ako tawa nang tawa rito habang pinapakinggan ang pagkukwento ni Jharylle sa amin ng katangahang ginawa niya kagabi. "Nakakuha ka din ng karma mo, ano? Deserve."

He was trying to hook up a woman, pero mali yata ang babaeng napagtripan niya. Ilang araw niya na raw kinukulit 'yong isang college student, sa nursing department. Type niya raw 'yon, matagal na.

E sa gago talaga siya. Kahit na anong sabihin naming tigilan niya na ang pagiging babaero niya, hindi siya nakikinig. Ngayon, nakahanap siya ng katapat niya. Buti nga sa kaniya.

May girlfriend siya. Hindi ko nga lang alam kung sino dahil hindi niya naman sinabi kanina sa amin ni Jaxon kung anong pangalan ng girlfriend niya. Hinatid niya raw 'yung nursing student sa bahay nila, kajatapos lang nilang magdate. Ang kaso, wala raw siyang kaide-ideya na sinundan pala siya ng girlfriend niya.

"Kaya no'ng pumunta ako sa apartment niya, sumalubong sa 'kin 'yung mga kuya niya." Napakamot-ulo siya. "Ang lalaki ng katawan, Heira. Bruskong-brusko. Sa tingin pa lang, napapaatras na 'ko."

"You're a jerk, dapat lang sa 'yong mangyari 'yon." Sabat ni Jaxon na ngayon ay kumakain ng ice cream. Sinamaan ko nga ng tingin, saan niya naman galing 'yon? "'Wag mo 'kong tignan ng ganiyan, sis. Dala ko 'to, 'yung sa 'yo nasa refrigerator pa, ayokong galawin, baka magwala ka na lang bigla."

"Mabuti nang nililinaw mo. Ang pagkain ko, pagkain ko lang, hindi ka naman dapat nakikihati." Sagot ko sa kaniya, tumawa naman ang walang-hiya. "Palamunin." Asar na sabi ko sa kaniya.

Nabulunan pa siya dahil sa sinabi ko. Nabigla yata. Tinapik-tapik niya ang dibdib niya na para bang hindi makahinga. Inismiran ko lang siya at bumaling ulit kay Jharylle na ngayon ay malalim ang iniisip. Hindi pa yata makaget-over sa nangyari sa kaniya kagabi.

"What happened to your girlfriend now?" Tanong ko sa kaniya bago ako tumayo, naiingit kasi ako kay Jaxon sa kinakain niya kaya pumunta muna ako ng kusina para kumuha rin ng ice cream. Dinalhan ko na rin si Jharylle, kawawa naman, baka gutom na kakakwento ng katarantaduhan niya.

"She broke up with me."

"Well, she had the right decision." Ani Jaxon. "Ikaw ba naman ang lokohin tapos kitang-kita na, sinong hindi magagalit? Hindi lang siya galit, baka nga nasasaktan pa siya dahil sa ginawa mo."

"Hindi ko alam na masasabi ko talaga 'to sa sarili ko. Yeah, I'm totally a jerk, cheater and womanizer." Yumuko na lang siya at mapait na ngumiti. "Hirap pala nito..." He whispered.

"Ginusto mo 'yan, e bakit parang nagsisisi ka bigla?" Natatawang tanong ko sa kaniya. Sumubo ako ng ice cream. Saka ko lang namalayan na isang hudlong pala ang kausap ko.

Para bang nawala saglit 'yung galit ko sa kaniya. Kahit ngayon lang, pwede bang kalimutan ko muna 'yung nangyari sa pagitan naming lahat? Kahit ngayon lang alisin ko muna 'yung sama ng loob na kinikimkim ko. Kasi mahirap na ang walang kausap. Mahirap na 'yong pag-iwas at pag-intindi sa sitwasyon namin. Mahirap para sa isang kagaya ko na sinisisi ang sarili sa lahat ng bagay na nangyaring hindi maganda.

"Just to be honest, sa lahat ng mga naging girlfriend ko, siya pa lang 'yung nagpadamdam sa 'kin na importante ako kahit na ganito ako... She made me feel loved and cared that no one does to me. My ex-girlfriends before she came, alam kong gusto lang nila 'yung sarap pero 'yung pagmamahal? Malabong makita 'yon sa kanila."

Unexpected Classmates in Twenty-third Section (The Final Bang)Where stories live. Discover now