"Hindi nga," sagot ko sa kaniya saka kumuha ng chuckie sa ref at nilagay sa kumukulong tubig. Hot chocolate.
"Aga mong pumasok sa kwarto mo tapos hindi ka natulog? Anong ginawa mo magdamag? Naglaro ka na naman ng flappy bird na hindi makaalis sa level 6?" Sunod-sunod na tanong niya, hindi agad nagsink-in sa utak ko ang mga sinabi niya.
Mga five minutes bago ako nakasagot.
"Hoy, nakaalis na kaya ako ng level 6!" Angal ko sa kaniya.
"What level you are now?"
"Level 7!" Sagot ko, tumawa naman ang hayop. "Atleast nakaalis ako sa level 7! Kesa naman sa 'yo, epic ka pa rin hanggang ngayon sa mobile legends!"
"Tamad lang akong maglaro," depensa niya.
"Sus, tamad mo mukha mo! Wala lang nagbubuhat sa 'yo e! Kalalaki mong tao, binubuhat ka ng babae sa game!" Pang-aasar ko sa kaniya, naalala ko pa na si Tiana ang nagturo sa kaniyang mag-ml, palagi pa silang naglalarong dalawa, open mic pa.
Kulang na lang ay durugin ako ni Kio habang nag-aalmusal kaming dalawa, ayaw ko siyang tigilan, asar na asar siya. Kaya ayon, pagkatapos naming mag-almusal, iniwan niya 'ko, umalis na lang.
Naglinis ako ng bahay. Weekends na naman kaya hindi ko na alam ang gagawin ko para libangin ang sarili ko. Kung gagala naman ako, sinong kasama ko? Nakakaboring naman kung maglilibot mag-isa.
I remembered when me and my bestfriend went on a mall, kumain kami, naglaro, sumakay ng rides at kung ano-ano pa. Nakakamiss pala ang ganoon. Bakit kaya nagawa sa akin ni Eiya 'yon? I trusted her, well hindi naman nawala 'yung tiwala ko sa kaniya... I may be disappointed with what she did but my trust is still here.
Masakit lang kasi 'yung ginawa nila. I treated them like my own family then they betrayed me. Pinili niyang ilihim iyon sa akin para hindi raw ako masaktan. I laughed sarcastically. Para hindi masaktan? Really? Do'n pa lang sa part na nagsinungaling na sila sa akin, nakakasakit na, mas masakit pala kapag matagal na niyang alam pero hindi niya sinabi sa akin.
Hintayin ko na lang dumating 'yung araw na muli kaming nagkaayos at bumalik sa dati. Sana kapag dumating 'yung araw na 'yon, handa na rin akong tanggapin ulit siya... handa na 'kong pakawalan ang kasalanan nila.
Napagpasyahan kong gumala. Kaya ko namang pasayahin ang sarili ko, tumatawa nga ako ng mag-isa. Pumunta ako sa isang amusement park. Maraming tao, lahat may kasama pero hindi ako naiinggit sa kanila. Why would I?
Pumasok ako sa loob at bumili ng tickets, ginamit ko 'yong pera na naipon ko. Ngayon lang ako gagastos para sa sarili ko kaya sinusulit ko na. Lahat ng rides gusto kong sakyan, pero tatlo muna ang sinakyan ko kahit na muntikan ng magkabali-baligtad ang sikmura ko.
Nagpahinga ako saglit at bumili ng cotton candy. Naging bata ako in instant. Ang galing. Isusubo ko na sana ang hawak kong cotton candy nang mayroong batang lumapit sa akin, tumayo siya sa harap ko at tinabingi ang kaniyang ulo, kumururot ang kilay niya. Parang hinuhusgahan naman ako ng batang ito.
"Gusto mo?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot sa akin, gano'n pa rin ang titig niya, para bang minemememorize ang magandang mukha ko. "Uy, bata! Gusto mo ba nito? Ibibili kita."
"Bakit, gusto ka ba?" Pabalang na sagot niya, inirapan niya pa ako bago tumakbo papalayo.
Ako naman itong napanganga na lang sa narinig ko. Napakurap-kurap ako. A-ano raw? Nagmamagandang loob lang naman ako ah. Ang taray pa naman niya. What if itumba ko na lang siya? Napailing na lang ako, ekis. Bata siya. Pero pwede namang patulan 'yung bata lalo na 'yung sobra makairap, diba?
Chapter 266
Start from the beginning
