Prologue

12 1 0
                                    

PROLOGUE

Nandito ako ngayon sa party kasama ang aking mga kaibigan. Ang daming bumabagabag sa akin dahil sa mga nangyayari lalo na sa aking sarili. Linagok ko ng deretso ang isang baso ng wine sa harap ko pinagpatuloy ko ang pag-inom kasi gusto kong makalimutan muna ang mga iniisip ko kahit ngayon lang. habang nagsasaya ang mga kaibigan kong nagsasayaw sa gitna ay mag-isa lang ako ngayon sa sofa namin.

"Hindi ka naman susuko hindi ba?" sabi ko sa sarili ko.

"Alam mong wala na siya at hindi na siya babalik pa Kate" sabi ko ulit sa aking sarili para magising ako sa katotohanang wala na talaga. Parang nakawalang mga ibon ang aking mga luha, patuloy pa rin to sa pag-agos. Hanggang sa naramdaman ko na may yumakap sa akin sa likod ko. Hilong-hilo ako kaya hindi ko siya maaninag pero alam kong siya yun.

Sa mga kamay at paghaplos palang niya ay alam ko nang siya yun hindi ako nagkakamali. Bumigat ang aking damdamin kasabay ng pagdagundong ng aking puso at hindi ko namalayan na nanghina ako pero pinilit ko pa ring makipagtalo sa kanya.

"Sorry" aniya sa malamig na boses habang yakap-yakap pa rin ako.

Tumayo ako at humakbang paharap at hinarap ko siya. Kitang kita ko ang kanyang mga matang pumupula at ang kanyang ekspresyon ng mukha ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Naalala ko na naman kung paano niya ako binilog. Kung paano nila ako pinagtulungtulungan para masira ang buo kong pagkatao. Oo, mahal ko siya pero, maling tao siya para sa akin. Nafall ako sa isang taong hindi bagay sa akin at kailan man hinding hindi ako magugustuhan.


From Author: Thank you for visiting my story, I hope you will be satisfied with it.. I am an aspiring writer, I hope you could help me by showing your support. Thankkkkkiiieeeee mga kablossm.

Eighteen NineteenWhere stories live. Discover now