CHAPTER FOUR

153 8 0
                                    

UNEDITED

Gian’s POV

Naalala niyo ba yong pakiramdam noong bata kayo t’wing pinapatulog kayo ng nanay niyo tapos ayaw niyong matulog kasi mas gusto niyong makipaglaro sa mga kaibigan niyo sa kalsada? Ganun na ganun ang pakiramdam ko ngayon habang naka-upo sa utot, hindi yan yong mabahong gas na nilalabas natin ah, under the old tree ang ibig sabihin niyan. Nakaupo ako ngayon sa bench sa utot na nasa tapat lang ng faculty ng educ department. Pinag-iisipan ko pa kung paano ang gagawin kong pagkilos sa harap ni Miss Tara bago ako pumasok sa faculty room.

Bakit ko ba naman kasi siya ninakawan ng halik sa pisngi? Ngayon tuloy nahihiya akong ipakita ang kaluluwa ko sa kanya. Alam ko naman na may tendency talaga akong magnakaw pero di ko naman lubos akalaing halik pala ang bubuhay sa tendency na yon. Joke lang mabait kaya ako wala sa hinagap ko ang magnakaw kaya yong nangyari kagabi ay hindi ako yon, kaluluwa yon ng yumao kong ama. De joke lang lab you papa in heaven.

“Hoy Gian! Alam kong baliw ka pero wag mo naman masyadong panindigan. Para ka dyan tangang bumubulong-bulong ng mag-isa” turan ni Jona na katabi ko sa bench.

“Anong baliw? Ikaw nga tong mukhang kailangan ng tulong ng mental. Tingnan mo nga yang eye bags mo parang mangingibang bansa na sa itim. Yong totoo dyan mo ba nilalagay lahat ng damit mo?” pang-asar ko namang sagot sa kaniya.

“Huwag mo ngang pansinin ang eye bags ko hindi ka naman nila inaano” ismid niya sa akin.
“Hindi ba’t sabi mo pinapapunta ka ni Miss Tara sa office niya eh bakit andito ka pa?

“Wala trip ko lang paghintayin si Miss Tara special kasi ako” ngiting asong sagot ko.

“Special amputa. Saang banda ba? Sa paa? Kapag sayo nainis si Miss Tara dahil pinaghintay mo bahala ka madadagdagan yang 2.9 mo sa transcript” dahil sa narinig ay nahihintakutan akong tumayo sa pagkakaupo.

“Ito na nga oh lalarga na” sabi ko habang unti-unting inihahakbang ang mga paa palakad sa direksyon ng faculty room.

“Ipagdasal mo na lang ang kaluluwa ko sakali mang di na ako makalabas ng buhay sa kamay ni Miss Tara” oa kong habilin kay Jona bago siya tuluyang talikuran.

Bago pumasok sa faculty room gaya ng nakagawian ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago pihitin pabukas ang pinto. Bumungad sa akin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon sa silid. Kapansin-pansin din ang pagiging tahimik ng kwarto palibhasa ay maaga pa wala pang enerhiya ang mga propesor  para magmarites HAHAHAHA.

“Oh, Gian. Sino ang sadya mo? tanong sa akin ni ma’am Ruth.

“Ikaw po ma’am maniningil po sana ako ng utang niyo” sagot ko sabay tawa na kinatawa rin ni ma’am Ruth. Magkavibes talaga kami nitong si ma’am pero alam ko pa rin naman ang limitasyon ko, boundaries kumbaga.

“Pinapunta po ako ni Miss Tara may sasabihin po ata” sagot ko sa nauna niyang tanong.

“Ah si Tara ba, naku mali ang napasukan mong pinto nasa sarili na niyang opisina si Tara” naisip ko naman agad ang opisinang pinagdalhan niya sa akin noong kinuha ko sa kanya ang listahang ng sa reporting namin.

“Ganun po ba, sige po puntahan ko na lang po siya sa opisina niya alam ko naman po kung saan” magalang kong tugon.

“Sige po salamat po ma’am Ruth you’re the best!” dugto ko pa bago tuluyang magpaalam. Natatawa naman niyang isinara ang pinto ng faculty.

Tinahak ko na ang daan papunta sa office ni Miss Tara baka kasi naghihintay na yon sa akin at beast mode na.

Nang sa wakas nasa harap na ako ng pinto ng opisina niya ay parang gusto ko na lang siyang takasan kagaya ng pagtakas sa responsibilidad ng magaling niyong ama HAHAHAHAHA.

Principles of TeachingWhere stories live. Discover now