CHAPTER TWO

176 9 2
                                    

UNEDITED

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng university habang may nakasapak na earphones sa dalawang tenga ko. Mahina kong sinabayan ang kanta ng paborito kong banda, ang Cigarettes After Sex.

"Ay sex! Putangina naman Jona" pasigaw kong baling sa kaibigan kong bigla na lang nang-aakbay. Judgemental na tingin tuloy ang pinupukol sa akin ng mga estudyanteng kasabayan namin sa paglalakad. Baka akalain nilang active ang aking sex life. Buti na lang walang professor sa paligid mahirap na baka magka-sunction ako. Cursing and unfiltered words are prohibited here in our department, educ student things. Bawal nga sa amin ang matitingkad na kulay ng buhok, sa gate pa lang hindi na papapasukin, iba-iba kasi ang uniform per program course dito kaya kilala ng mga guard kung sino-sino ang mga educ. Pero accepted naman dito ang mga gustong mag-cross dress at magpahaba ng buhok na gays as long as appropriate pa rin tingnan. Pwede rin silang mamili kung pang-male or female na uniform ang gusto nilang suotin, our university is pretty much inclusive mahigpit lang talaga sila sa aming educ student kasi we have an image to protect as future teachers.

"Hoy Gian Marie anong sex ang pinagsasabi mo?" nagugulantang ngunit pabulong na tanong sa akin ni Jona. Takot din mapatawag ni dean HAHAHAHA.

"Cigarettes After Sex kasi yon, wag ka ngang manggulat"

"Hindi kita ginulat 'no kanina pa kita dinadaldal hindi ka naman nakikinig"

"Malamang naka-earphones ako bobo ka ba?" pilosopo kong sagot.

"Wow bobo, big word" sarkastiko niyang tugon. Tinawanan ko na lang siya at piniling wag sumagot, tinago ko na lang sa bulsa ng backpack ko ang earphones ko. "Bakit nga pala ang aga mo?" pag-iiba ko ng usapan. Ala-sais pa lang kasi ng umaga at mamayang seven-thirty pa ang unang klase namin.

"Baka nakakalimutan mong officer din ako" sagot niya. Oo nga pala pareho kaming officer na dalawa sa org namin, ang SAMAFIL. Assistant secretary ako ni ate Fae, third year na siya ngayon. Habang si Jona naman ay representative ng block namin. Karamihan sa mga officer ng org namin ay nasa third at fourth year na, ang alam ko kailangan ng magpalit ng officer kasi hindi na pwede ang mga nasa fourth year since magiging sobrang busy na sila. At yon yata ang kailangan naming pag-usapan ngayon bago kami magplano sa mga gagawin naming activities para sa darating na selebrasyon para sa buwan ng wika. First week pa lang naman ng august ngayon and usually last week ng august kami nagce-celebrate ng buwan ng wika.

Tumuloy na kami ni Jona sa room na ginawang headquarters ng org namin. Pagdating namin ay kami na lang pala ang hinihintay.

"Gainnnnnnnn" parang batang bati sa akin ni ate Fae sabay lambitin sa akin na parang unggoy. Maganda si ate Fae, makulit din siya at clingy. Close talaga kaming dalawa since last year kami lagi ang magkasama dahil nga assistant niya ako.

"Bitawan mo na yang si Gian, Fae mukhang hindi na makahinga eh" suway ni kuya Rex. Siya ang kasalukuyang president namin fourth year na siya ngayon. Nakanguso namang bumitaw sa akin si ate Fae na tinawanan ko lang sabay kurot ng pisngi niya. Ang cute niya kasi para siyang baby gorilla hahaha charot.

Mabilis na natapos ang meeting namin at tama nga ako pinag-usapan lang namin ang pagpapalit ng mga officer. Urgent na kasi ito para masimulan na rin ang pagpapa-recognize ng org namin. Kapag kasi hindi recognize ang org hindi kami pwedeng magpa-activity. Every year kailangan namin magpa-recognize. Itong buwan ng august talaga ang pinaka-abala kaming mga fil major lalo na kaming mga offecer, first week pa lang kasi ng pasukan hindi na kami magkamayaw sa pagpaparoo't parito.

Nauna na sa akin si Jona pumunta sa klase namin hindi pa naman ako late since maaga pa naman. Kailangan ko kasing magpaiwan para kunin ang mga papeles na dadalhin ko sa bahay para maayos ko. Kasama ko si ate Fae, trabaho talaga naming dalawa ang mag-ayos ng papeles lalo na ang budget plan na ginamit namin last year. Kailangan naming maayos yon para hindi na mahirap ang papalit na officer sa aming dalawa.

Principles of TeachingWhere stories live. Discover now