CHAPTER FIVE

183 6 0
                                    

UNEDITED

Gian's POV

"Kung bibigyan ka ng chance na magbago ng course ano ang pipiliin mo? random na tanong ni Janice.

Biyernes na ngayon at kasalukuyan kaming nakatambay sa ikalawang palapag ng educ building, sa dulong bahagi ng corridor kung saan may mga nakatambak na upuan. Bihira lang ang tao rito sinara na kasi yong maliit na opisina na dating inuukupa ng student service. Inilipat na kasi sila sa sarili nilang building. Yong bagong tayong parang aquarium, puro kasi salamin ang pader kaya aquarium ang tawag naming magkakaibigan.

"Educ pa rin ang pipiliin ko sa tingin ko kasi ito talaga yong calling ko" maagap na sagot ni Anji

"Kung ito ang calling mo sino ang tumawag sayo?" pilosopo kong sabat. Binigyan naman ako ni Anji ng bombastic side eye na lalong kinalakas ng tawa ko HAHAHA.

"Ako kung hindi lang problema ang pera magdodoktor sana ako pero wala, pinanganak akong mahirap. Kahit pa kasi sabihing may mga scholarships namang pwede kong applyan malabo pa ring manyari" seryosong saad ni Jona. Bihira lang magseryoso si Jona kaya alam naming may pinaghuhugutan talaga siya.

"Unfair talaga ang buhay lalo na kapag pinanganak kang mahirap sa isang third world country. Para ka na ring naka-premium sa lungga ni satanas, unli problema" ani ko

"At isa pa ang anti poor ng education system sa Pilipinas" dagdag ko pa

"Paano mo naman nasabing anti poor eh libre na nga tayong nag-aaral ngayon?" agad na tanong ni Janice 

"Oo libre nga pero kung iisipin nating mabuti at titingnan yong proseso masasabi ko talagang anti poor. Kasi hindi naman lahat ng estudyante sa public at state university ay mahirap, karamihan pa nga ng nag-aaral dito ay afford namang mag-aaral sa private. Tingnan niyo naman ang parking lot hindi niyo ba nakikita na halos nagpapagandahan na lang sila ng mga kotse dun. Afford naman sana nilang mag-aaral sa private dapat ibinigay na lang nila yong slot sa mga kapos palad na nagsusumikap. I know na may entrance exam naman at dumaan din naman sila dun pero hindi ko lang talaga maiwasang isiping how privilege they are and yet di nila yon narerealized." puno ng hinanakit na saad ko. 

Wala naman akong galit sa mga mayayaman gusto ko lang ilabas ang nasa isip ko and as someone who also struggle sa buhay nakakapanghinayang lang makakita ng mga taong nagsisikap din namang makaangat sa buhay pero nahahadlangan ng some weird shit system.

"I understand what you are saying, Gi pero we can't do something about it. Karapatan nilang mag-enroll kahit saan nila gusto" sagot ni Anji sa sinabi ko.

"May magagawa tayo tumakbo kang presidente tapos ipagbawal mo ang mayayaman sa public university HAHAHA" pabiro kong suhestiyon ang seryoso na kasi ng usapan, i kennat.

"Tapos gawin mong libre ang pagkain sa canteen, buffet everyday" dagdag ni Jona sa biro ko.

"Kung ganyan lang kadali ang mga bagay-bagay why not di ba, pero life don't work that way" seryoso pa ring turan ni Anji

"Ops! Awat na nga bakit ba tayo napunta sa usapan na yan" biglang pigil ni Janice sa usapan.

"Ay hala siya ikaw kaya ang unang nagtanong" sagot ni Jonay

"Ay ako ba, edi sorry naman. Punta na lang tayong canteen malapit na ring magtanghalian wala na yatang balak pumasok si ma'am Cyra"

Wala na kaming nagawa nang magsimula ng magmartsa si Janice patungong canteen. Sumunod na lang din kami tutal gutom na rin kami.

Kaunti pa lang ang tao sa canteen kaya madali lang kaming nakabili ng pagkain at nakahanap ng mauupuan. Si Janice ang nag-order ng mga pagkain namin habang kaming tatlo naman ang naghanap ng gagamitin naming table. Sa medyo sulok namin napiling pumwesto, di kasi agaw atensyon tapos malayo pa sa bukana ng canteen iwas sa dagsa ng tao.

Apat na pirasong lumpia at isang tig dose pesos na chicken ang ulam ko. Tipid ulam para sa mga college student na kagaya ko. Basta lang mairaos ang gutom okay na yon, at saka hindi naman ako mapili sa pagkain.

Nagsisimula na kaming kumain nang biglang magsalita si ma'am Ruth sa likuran ko. May lahing kabute yata si ma'am.

"Seems like you guys have an early lunch today" nakangiting sabi ni ma'am

"Di po kasi pumasok si ma'am Cyra" sagot ni Anji habang ako ay busy pa rin sa pagkain at hindi pinagtuunan ng pansin ang eksena nila.

Nagulat na lang ako nang may biglang umupo sa magkabilang gilid ko. Ako lang kasi ang nakaupo sa isang side ng rectangular na table habang kaharap ko naman ang tatlo kong kaibigan.

Ramdam ko ang pagtikhim sa kanan ko kaya ibinaling ko rito ang atensyon ko.

Bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Miss Tara. Napakurap-kurap ako, baka kasi namamalikmata lang ako. Pero nakailang kurap na ako andito pa rin siya nakaupo sa tabi ko.

Nagmamayabang na naman ang ganda niya, halos wala siyang makeup tanging lipstick at eyeliner lang ang kolorete niya sa kaniyang mukha. Gagi ang organic ni ma'am siguro kakakain niya ito ng damo.

Napukaw ang atensyon ko ng magsalita si ma'am Ruth

"Anong drinks ang gusto mo Gian?

"Bakit po ma'am?" nagtatakang sagot ko

"Hindi ba kahapon ay sinisingil mo ako ng utang ko though di ko naman alam na may utang ako, I'll buy you a drink para wala na akong utang"

"Nagbibiro lang po ako ma'am. Hirap niyo palang biruin tinotoo niyo" kwelang sagot ko na ikinatawa niya

"Well, I want to treat you and your friends for letting us sit and eat with you" saad ni ma'am

"Luh siya kahit araw-araw kayong makiupo at makisabay sa pagkain okay lang po" energetic kong sagot

Sinipa naman ako ni Anji sa paa indikasyon na tumigil na ako.

"Ah hehe kain na lang po tayo"

Parehong inilabas ni ma'am Ruth at Miss Tara ang dala nilang baon. Pork steak ang kay ma'am Ruth samantalang vegetable salad naman ang kay Miss Tara, pagkain ng kambing na naman ang baon niya.

Na-curious ako kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya para magtanong. Amoy na amoy ko na naman ang pabango niya di ko tuloy maiwasang singhutin siya ng onti, very very slight lang naman. Ambango gagi sarap gawing Vicks.

"Miss Tara vegetarian po ba kayo? mahinanh tanong ko

"No" maiksing sagot nito sa akin habang hinahalo ang pagkain niya

"Eh bakit halos puro damo ang kinakain niyo?" nangunot ang noo niya sa sinabi ko

"This is not damo! And how do you know na ito ang kinakain ko recently are you perhaps observing me?" usisa niya

Huli pero di kulong

"Hindi po kita pinagmamasdan, promise. Minsan lang naman mga 2 times a day ganun" walanghiyang sagot ko. What's the point of denying at saka wala naman akong ginagawang masama.

"Tsk! You're weird" bigla niyang sabi

"I'm not" tanggi ko

"Just stop talking and sniffing me, let me eat MY SALAD in peace" may diin niyang saad

Gagi napansin niya palang sinisinghot ko siya, medyo napanguso ako, hmp apakadamot.

Nanahimik na lang ako hanggang sa matapos kaming kumain at magkanya-kanyang alis sa canteen.




























AN: very short update, ang weird magtype sa phone panay autocorrect

Votes and comments are highly appreciated :)





Principles of TeachingWo Geschichten leben. Entdecke jetzt