Chapter 10

18 3 5
                                    

Kahit masama ang pakiramdam ko ay kailangan kong pumasok dahil hindi pa tapos ang exam namin. Namamaga ang mata ko sa sobrang iniyak ko kagabi.

Kailangan kong pumasok. Pero bago yun ay tinawagan ko muna ang number ni Black. Kakamustahin ko lang sana siya para mapanatag naman ako kahit papano.

"Hello?"sa ikatlong ring ay saka palang sinagot kaya ako na mismo ang nagsalita.

"Who's this?"
Napalunok ako ng mariin dahil hindi si Black ang sumagot. Baka naman mama or relatives niya itong naka sagot. Mukhang hindi niya na inabala pang icheck ang pangalan nang tumawag ako.

"I-Im Black's friend po, Anastasia,  I just want to ask if okay na po ba siya?"kinakabahan kong pagtatanong dito. Narinig ko pa ang buntong hininga ng kausap ko.

"His okay na naman hija, kailangan niya lang ng pahinga para mabilis maka recover yung tahi niya sa ulo."nakonsensya naman ako dahil kung hindi ako humingi ng tulong sakanya ay hindi ito mangyayari.

"Mom,who's that?"mas napanatag ako ng marinig ang boses ni Black sa kabilang linya. Mukhang nagising ito at sheemmmss! Mommy niya pala yung naka sagot sa tawag ko, nakakahiya.

"Friend mo daw her name is Anastasia,"mukhang  okay na naman siya pero kailangan ko parin siyang kamustahin sa personal kung may pagkakataon.
Tutal mamaya pa naman uuwi ng hapon ni Mama.

Kinusot ko ng bahagya ang ibabang parte ng mata ko dahil bigla itong kumirot.
Yung inosente kong mata ay nagdurusa dahil sa pag iyak ko ng buong magdamag.

"I'll talk to her Mom,"hindi naman ako umimik dahil nakaka bastos naman pag nagsalita ako dito na magka usap pa sila.

"Hija,i'll give his phone na. You can ask him nalang if anong kalagayan niya."napangiwi ako ng bahagya dahil ang sosyal nitong magsalita. Yung conyo talaga na hindi masyadong OA sakanya yung tama lang kumbaga.

"Sure ma'am,"saad ko dito at narinig ang yabag na paniguradong papunta sa pwesto ni Black.

"H-Hey,are you okay?"Napanguso ako dahil sa mga tanong niya. Dapat ako nga yung magtatanong sakanya niyan eh.

"Im fine,thankyou nga pala for saving me kahapon. I feel bad kasi wala man lang akong nagawa para tulungan ka. Are you really okay?I— mean, may masakit ba sayo or what?"pabulong kong usal dito dahil nahihiya tlaga ako sa totoo lang. Narinig kong tumikhim ito.

"Im good. dont blame yourself okay?Lets just forget what happened, I think i'll be staying in my room for 1 week. Tsk thats so boring."mahina akong natawa dahil ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng ganyan. May playful side din pala ang pagkatao niya. Kala ko sobrang seryuso nito sa buhay pero may tinatago ring kalokohan.

"Mas okay nga yan para mas lalo kang pumuti, pero seryuso thankyou talaga. Dont worry pag may time ay bibisitahin kita diyan sainyo."

—————-

Tamad akong pumasok sa room at umupo sa bandang likuran. Hindi ako umupo dun sa dati dahil magkakatabi na naman kami ni Dasha. Napag isip-isip ko kasing hindi ko na kailangan pang isiksik ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto.

Dahil sa kadramahan ko ay bigla akong nagka isip. Hindi naman ako papaapi na kasi para sa mahihina lang yun.

Iiwasan ko narin ang pagkukulit kay Atticus dahil may girlfriend na ito. Nong una ay okay lang dahil akala ko tlaga wala siyang girlfriend. Pero ngayon ay kusa na akong iiwas sa sakit na maidudulot nito saakin. Parang bigla akong nag matured sa mga pinagdaanan ko.

#BiglaangMaturity

"Nakapag review kana,Anas?"napalingon naman ako sa gilid ko ng magsalita ang kaklase naming sobrang tahimik si Amelia.Himala at umimik ito at kinausap ako.

First Love Never Dies (SHS Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon