Prologue

127 7 5
                                    

I'm silently observing my classmates preparing their thesis in front of our class.
They were struggling and nervous while preparing their presentation.

Every corner of our room is silent just like a cemetery. I can't blame them, I'm also nervous just like them.

"Sinabi ko na sainyo, na dapat bago ako dumating ay maayos na ang lahat?"striktang saad ng subject teacher namin habang naglalakad sa harapan.

Hindi ko mapigilang mapairap.
Kasalanan ba naming masyado siyang advance!?
Duhh!Dapat Grade 12 pa kami mag didifense. Pero naiintindihan ko naman ang side ni Ma'am, Gusto niya lang na turuan kami ng advance lessons. Pero naman kasi, masyado advance mga Mare.

"Another 5 minutes pre—-"
Kusang huminto si Ma'am sa pagsasalita ng May kumatok sa pintuan ng room namin.

Kumatok lang ito ng tatlong beses saka kusang bumukas ang pintuan.

Napangiwi ako ng makita ang baklang president ng council.
Hindi naman sa pagiging judgemental pero sobrang nakaka silaw talaga lagi ng suot niya.

Every Friday kasi civilian kami, pero naka loka lang talaga siya. Mabuti sana kong ang puti puti ng tiyan niya.

Imagine niyo yung suot niya.

His wearing a color yellow crop top and light blue na pantalon with matchy red na shoes pa.
Ano siya rainbow!?
Plus!his so maitim and pandak pa!
Okay, I'm so OA na sa part na yan.

Pero sana nag ayos ayos lang naman siya ng style.
Napailing nalang ako dahil sa mga pumapasok sa isip ko.

"Yes?"turan ni Ma'am habang naglalakad tungo sa pwesto ng President council.

"May urgent meeting po kasi sa office,pinapatawag po kayo ni Mr.Principal."Tumango naman si Ma'am dito saka kami senenyasang tumahimik.
Pagdating talaga sa mga ganitong eksena ay sobrang hyper nila, Pero pag presentation nganga ang peg.

Kahit SHS na kami ay hindi parin talaga mawawala ang mga loko loko. Yung tipong ugali nila ang paghampas hampas sa upuan na kala nila drum. O kaya naman parlor dahil sa mga kaklase kong nagpapa braid ng buhok nila.
Minsan nga May make up tutorials pa.

"Ms.Samaniego?"napatayo ako bigla ng tawagin ni Ma'am ang apelyido ko.Kailangang maging bait baitan ka dahil sakanila nakasalalay ang grades.

"Yes, Ma'am?"napanguso ako ng madinig ang mahinang hagikhikan ng mga kaklase ko.

Sa room kasi namin ay ako ang tinaguriang classy bitch. Ewan ko ba sakanila At maraming nalalaman na mga ganyan.

"Here, ikaw ang bahalang maglista kung sino ang lumabas at nag iingay sa mga kaklase mo. Ibigay mo sakin mamaya Para mabawasan ko ng grades."saad nito sabay abot saakin ng isang papel at sadyang nilakasan ang huling sinabi nito.

Walang pag aalinlangan ko naman itong kinuha sakanya. Ngumiti lang ako dito At naupo ulit.
Mabilis naman nitong hinagilap ang mga gamit niya saka na ito lumabas ng room.
Napabuntong hininga ako ng May sumipa ng upuan ko sa bandang likod. Tamad ko itong binalingan ng tingin.

"What?"Inis kong bungad dito pero nginitian lang ako ng loka.

"Dating gawi ba, Mare?"nairap ako dito ng mag umpisang mag ingay ang mga kaklase namin.

"Ano pa bang magagawa ko?Wala naman akong choice."tamad kong usal dito saka yumuko sa arm chair ko.

Dahil sa sinabi ko ay mistulang mga ibon silang nakawala sa hawla. Kanya kanya silang chismisan na nagrambulan.
Sanay na ako sa ingay nila At Kahit ganito ang ugali ko ay May paki sama naman ako sakanila.

Pare pareho lang naman kami dito na gustong maka graduate kaya tulungan talaga. Walang lag-lagan at paninira dahil makakakita ka talaga ng empyerno.

Sabi nila madali lang daw ang strand na HUMSS. Pero langya lang talaga,mga scammer sila.
Anong madali sa pakikipag defense!?

Ito pa naman ang kinuha ko dahil madali lang daw Sabi nila. Tama nga talaga na nasa Huli ang pagsi-sisi.

"Nas,sama ka mamaya?"napa angat ang tingin ko kay Dasha na nakatunghay sa harapan ko.
Ang beauty but no brains ng section namin. They were calling me Nas short for Anastasia dahil hindi daw bagay sa ugali ko.
Wala naman akong paki alam sa mga pinaggagawa At pinagsasabi nila.

Ewan ko sakanila kung Bakit yan ang tawag sakanya. Hindi naman siya naooffend dahil totoo naman daw.Ganda lang daw ang ambag niya sa classroom.

"Saan?Kong walwalan na naman yan pass ako!"napalakas ang pagkakasabi ko non kaya naagaw namin ang antensyon ng ibang kaklase namin.

"Luhhh!Bawal ang kj, Anastasia."sigaw ni Bryan sakin. Pinukol ko siya ng masamang tingin saka tinaas ang kamay ko at pinakita ang gitnang bahagi nito.

Nanlaki naman ang mata nitong tiningnan ako. Inirapan ko siya dahil masyado siyang OA.

"Ang OA mo sa part na yan, Bryan. Para kang kwala sa laki ng mata mo."anas ko dito pero pinandatan lang ako ng mata nito.

"Ang bastos bastos talaga ng bunganga mo,Anastasia!Hindi bagay sa maamo mong mukha ang pag uugali mo."pang uuyam nito pero pinakyuhan ko lang ulit siya.

"Sumama ka nalang kasi,Nas. Maghahanap tayo ng sugar daddy."nakangising saad ni Dasha pero inilingan ko lang siya.

"Tutulungan ko pa si mama mamaya sa karinderya kaya pass aketch."maarteng paliwanag ko dito.Nawala ang ngiti sa mga labi nito saka bahagyang hinila ang buhok kong May kataasan.

"Ang arte mo!"

First Love Never Dies (SHS Series #1)Where stories live. Discover now