Chapter 1

66 5 0
                                    

"Ma,si Daddy ba yan?"hindi ko mapigilang Ma excite habang nilalapitan siya.
Pero napawi iyon ng taranta niyang binaba ang tawag At binulsa ang cellphone niya.

"H-huh,A-ano Wala yun."natatarantang saad nito saka ako tinalikuran.Napakunot ang nuo ko habang pinagmamasdan siyang tuliro sa ginagawa niya.

"Hindi parin po ba tumatawag si Daddy?Mag iisang buwan na pero Wala man lang siyang paramdam."pinagsawalang bahala ko nalang ang inakto niya. Baka pagod lang siya kaya nagka ganon.

Nilibot ko ang tingin sa maliit naming karendirya. Hindi kalakihan ang pwesto namin pero lagi namang dinadagsa ng costumers.

"Ewan ko ba diyan sa tatay mo,baka busy sa t-trabaho niya."napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya.
Noong 12 birthday ko lang kasing huling nakita si Daddy. Nagtatrabaho daw siya sa states bilang construction worker.
Pero Lagi naman siyang tumatawag sakin,pero lately ay madalang nalang.

"Kelan ba daw siya uuwi,Ma."pagtatanong ko dito habang hinuhugasan ang mga platong kinainan ng mga costumer.

Walang katuwang si Mama sa karendirya dahil kaya niya naman daw. Saka gastos lang daw yun pag nagkataon. Kaya naman dito ako dumederitsyo pagka galing ko sa School. Hindi naman gaano kabigat ang trabaho kaya keri lang.

"Wag kana lang magtanong!Aalis ako ngayon. Ikaw na ang bahalang magsara ng karendirya."iritabling saad nito saka lumabas dala ang bag niya.

Napanganga ako sa inakto ni Mama. Pag nasa bahay lagi nalang niyang hawak ang cellphone at laging May katawagan. Pero hindi naman daw si Daddy. Ano bang nangyayari sakanila?

Pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas at mabilis itong tinapos.

Nang mapunasan ko ang kamay ay saka naman dumating si Mang Kaloy,isa sa suki namin dito.

"Isang order nga nitong pancit,hija. Paki balot nalang At Para May ulam kami mamaya ."nakangiting saad nito habang pinupunasan ang pawis nito gamit ang maliit niyang face towel.

"Kamusta ang pamamasada,Mang Kaloy?"pagtatanong ko dito habang nireready ang order niya.
Close kami ni Mang Kaloy dahil mabait ito At parang lolo ko narin itong ituring.

Nakaka lungkot lang dahil ang nag iisang anak nito ay maagang nabuntis. Kaya dagdag problema iyon sa pamilya niya.Hindi rin pinanagutan ng naka buntis kaya sila naghihirap.
Sarap ngang sikmuraan nong anak niya eh. Masyadong feeling rich din yun na kala mo naman maganda.
Dumagdag pa ng problema kila Mang Kaloy.

"Medyo malaki ang kita ko ngayon hija,dahil May nagbigay ng malaking tip sakin kanina."masayang pahayag nito kaya napangiti naman ako dito. Sobrang babaw lang talaga ng kasiyahan nito pero hindi ko naman siya masi-sisi dahil malaking tulong narin ito sa pamilya nila.

"Nakkss!Baka yayamanin yung hinatid niyo kanina. Matanda ba?Baka pwede mo akong ireto dun at ng magka sugar daddy ako."pagbibiro ko dito pero tinawanan lang ako nito. Sanay na talaga siya sa mga lumalabas sa bibig ko kaya sinasakyan niya nalang minsan.

Binigay ko naman sakanya agad ang order niya. Saka siya nagbayad ng puro coins.Walang pagdadalawang isip ko naman itong kinuha. Mas better din to dahil walang barya sa benta ni Mama kanina.

"Napaka mapagbiro mo talaga,Anastasia.Pero hinatid ko kanina yung dati mong kalaro."nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata.

"Talaga ho,S-sinong kalaro ko po?"pumiyok pa ang boses ko kaya Mahina akong napamura.
Gage!Masyadong pahalata lang Mare!?

"Yung kababata mong si Atticus,nako.Napaka gwapong binata ng kaibigan mo,hija.Hindi ko nga siya nakilala Nong una pero nang maihatid ko siya diyan sa tapat ay saka ko lang ito nakilala."mahabang saad nito At nagpa alam na saakin. Tanging tango nalang ang naging sagot ko dito dahil bigla akong natuliro.

First Love Never Dies (SHS Series #1)Where stories live. Discover now