Chapter 8

26 5 2
                                    

"Here, its just a one subject that you missed."Napanguso ako sa harapan ni Black dahil hindi niya pa talaga pinasa yung answer sheets kaagad sa subject teacher namin.

Siya kasi ang naka tukang mag submit non sa mga teachers. Hindi nga ako nagkamali kaninang malililate ako, sa unang klase ay hindi na talaga ako naka abot.
Pina tapos ko nalang ang exam nila saka ako pumasok. Kakahiya naman sa mga fresh looks nila ang uhugin kong mukha.

"T-thankyou talaga auh,"nahihiya kong pagpapasalamat dito kaya tumango ito ng marahan. Ang sungit talaga kahit kailan.

Mabilis ko naman itong sinagot, gusto kong magdiwang dahil halos lahat ay alam ko ang sagot. Buti nalang at nakapag review ako kagabi, nako pag nagkataong tinamad ako wala talagang patutunguhan.

Second to the last na sana ng may marinig akong ingay na papunta dito sa pwesto namin. Napa angat ang tingin ko kay Black dahil baka may maka kita samin dito at anong sabihin. Saka baka maparusahan pa si Black dahil sa kagagawan ko, late ko na narealize na pinahamak ko pa talaga siya sa problema ko.

"Aalis na ba tayo?"wala sa sarili kong tanong mukhang hindi narin ako makakapag concentrate sa pag sasagot dito. Pero bawal naman kasing pumunta dito dahil tag exam. Pinasara nga ito pero di ko lang alam pano nakuha ni Black ang susi.

Hindi naman pwedeng sa room ako mag take ng exam dahil maraming makakakita.Baka sabihing may favoritism ang aming butihing president.

Nasa gym kasi kami yung medyo tago na part. Marami pa namang ma issue sa School. At sikat pa si Black kaya tiyak na magwawala ang mga fan girls niya pag may nabalitaang issue ukol dito tapos kasama pa ang babae.

"No need, just keep answering. I got this."Napanguso naman ako ng umalis ito sa harapan ko para puntahan siguro yung mga estudyanteng papunta dito.
Pinagpatuloy ko nalang ang pag sasagot para maka alis na kami kaagad dito.Sobrang nakaka abala na talaga dun sa tao, nakakahiya naman.

Naitaas ko ang kamay ko dahil sa ngalay. Sa wakas ay natapos narin ako.Achivement to noh!
Inayos ko na ang mga gamit ko at sinilid sa bag saka marahang pinagpag ang damit ko.
Tumayo narin ako kaagad at inayos narin ang buhok ko. Para akong dinumog ng kong ano dahil sa ayos ko ngayon.

"Stay—"
Napapikit ako dahil feeling ko babagsak ang feslak ko sa lapag.
Naimulat ko ng wala sa oras ang mga mata ko dahil iba ang dumaing. Nagulat ako ng makita si Black sa lapag habang ako naman ay nasa ibabaw niya.Puchhhaaa!Ang awkward ng position huh!

"Omygosh!Black huhu!"napatayo ako ng wala sa oras ng may mga babaeng nagkaka gulo. Bat ang dami naman masyadong babae dito!?
Nahiya naman ako bigla kay Black dahil nakalimutan ko siyang tulungang makatayo. Nakaupo na ito ngayon sa semento pero nanatiling naka pikit.Gage!Naiingayan ata sa mga babaeng chismosa.

"Pwede bang lumabas muna kayo,naiingayan si Black sainyo panigurado."usal ko sakanila at nilapitan na si Black.Pero hindi pa man ako nakaka alis sa pwesto ko ay may mga kamay na ang humawak sa braso ko.
Inis ko namang inagaw ang braso ko sakanila. Nakaka pikon sila parang mga bubuyog sa ingay.

"Hindi porket babae ka ni Black ay ganyan mo na kami tratuhin. Malandi ka lang naman kaya ka napapansin ni Black!"nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi ng isang babae.

Tiningnan ko naman siya mula ulo mukhang paa—este hanggang paa. Isa lang masasabi ko sakanya, isa siyang napaka laking—-

Ewwww!

Mukha siyang bakla sa kapal ng make up niya.

"Hiyang hiya naman ako sa coloring book mong mukha. Bat nandito ka sa School? Nasa kabilang kanto pa naman yung perya auh."pang uuyam ko dito nakita ko namang namula ang mukha niya dahil sa pagka pahiya. Napangisi naman ako ng palihim, don't me oii!

First Love Never Dies (SHS Series #1)Where stories live. Discover now