Psychopath

15.4K 29 8
                                    






"Bagay sayo, Athalia." I smiled at Lauren. Umikot pa ko nang ilang ulit bago muling tumingin sa salamin kung saan kitang kita kung ganon kaganda ang suot kong wedding gown. Muli kong tinignan si Lauren, it seems like there's something that is bothering her. Her face might deceived others but surely I'm not one of them.










"Do you want to try them? You can naman." Sabi ko pa nga sakaniya sa mahinahong tinig. Baka sakaling malibang siya kung magsusukat-sukat muna siya. Nilingon niya ko at tinitigan nang matagal pagkatapos. Natawa ako at kusang lumapit sakaniya, I held her right arm. "Try mo na! Pili ka lang and they will assist you." Ani ko pa bago nilingon ang mga staffs na nasa paligid lang namin. Hindi na siya nagsalita at nginitian ako ng tipid at tumango.








I tried different types of Wedding Gowns. One week to go before my wedding. I stared myself infront of the mirror. Mapungay na kulay abong mga mata, matangos na ilong, manipis at mapupulang labi, maputing balat. Those are the things I can see. I smile. I'm finally marrying the man that I love. I should be happy right? Dapat masaya ko, pero bakit may kulang pa rin? After he proposed to me, hindi ko alam bakit ganito na ang pakiramdam ko. Nagulat pa nga ang mga kamaganak namin dahil hindi prepared ang proposal but I said it's alright, it doesn't matter to me naman if it's grand or not. As long as it's Marco.






Lumabas si Lauren mula sa fitting room. My eyes widen when I saw her. "You're gorgeous!" Bulalas ko. Nahihiya siyang tinignan ang sarili sa salamin. Pumungay ang mga mata niya at nagbadya ang luha sa mga mata. "Why are you crying?" Alo ko agad. Nilapitan ko pa siya bago sensayan ang mga staff na iwan muna kami saglit. I'm not that close to Lauren since she is Marco's bestfriend but I can see that she's good, alam ko namang hindi katagalan ay magiging malapit kami.








She hugged me and sob. "I-I'm sorry, Ath.. I'm so sorry." Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Why is she saying sorry? "Why are you saying sorry? Wala ka namang nagawang kasalanan sakin." Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya gamit ang handkerchief ko. She sobbed even more. "I don't know what your problem is, or why are you saying sorry to me when in fact wala ka namang ginawa sakin? but I'm here okay? chin up, wala kang ginagawang masama sakin kung 'yan ang iniisip mo." lumamlam ang mga mata niya at muli akong niyakap. I tapped her back, "Stop crying na, you look gorgeous nga sa gown mo tapos iiyak ka lang." I joked. She chuckle before wiping her tears. Nginitian ko siya bago ko siya niyaya na magsukat pa ng ilang gown, at habang nasa ibang bagay ang atensyon niya, hindi ko siya mapigilang tignan at magtaka sa ikinikilos niya. Napalunok ako kasabay ng pagiwas ko nang tingin, I should not overthink. Wala namang maidudulot saking mabuti 'yon.






Days passed, isang araw nalang bago ang kasal ko. I stared at my face. "Should I suprise my groom later?" Tanong ko saaking sarili habang nakatitig pa rin sa salamin. Kinuha ko ang regalo kong Rolex sakaniya, i know he loves watches. I deeply sighed, Mahigpit na pinagbabawal nila mommy ang pagkikita namin. Baka raw hindi matuloy ang kasal. Napapailing nalang talaga kami sa mga tradisyon nila. "After wedding nalang siguro.." I softly said, talking to myself. Tumayo ako at lumapit sa paperbags na nasa sofa, I gathered things and find the paperbag of the Rolex. Nang mahagilap ko ay agad ko siyang ipinaloob doon, itatabi ko na sana nang makita ko ang pamilyar na paperbag. Kinuha ko ang laman at napakagat ng labi. "Anong ginagawa nito rito?" I ask, I was staring the necktie that Marco will wear at the Wedding. Nilingon ko ang paligid bago humigpit ang hawak ko sa necktie, muli ko 'yong ipinaloob sa paperbag. I guess, I don't have a choice but to go and see him, after all, I miss him too.









The killer heels I'm wearing was the only sound you could hear. Hawak hawak ko ang dalawang paperbag na naglalaman ng mga ibibigay ko kay Marco, bumukas ang elevator at pumasok doon, pinindot ko ang number ng floor ng unit niya. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko at tinignan ang repleksyon ng sarili ko. I couldn't help but to laugh at myself, why am I feeling nervous? I mean? It's just Marco's unit. Ilang beses na kong nanggaling at nagpabalik-balik dun.









RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now