CHAPTER 32

3.7K 175 207
                                    


This chapter is dedicated to my Top 20 gifters on Kumu - April 4, 2022.

atemacel, jhengski201983, clairecoluma, mynameisjessica, annabelsison, kooyaoj, pfenelopy, bleybley5506, just_jian, mynameisdhonna, monnaericka, ughndengggg_, viviniruslin, ninaricatuazongrata, _eylahhh, cristinasolis, kungpoohpanda, rhizamae14, zanni_bananamilk, its_ace :)

Thank you so much for the love and support!!

**

Pinanuod ko si Gani kung paano niya punasan ang luhang biglang tumulo sa mata niya. Humigpit din ang kanyang pagkakahawak sa cup niya at huminga nang malalim.

Hindi ako makapagsalita.

May kung anong bumabara sa lalamunan ko at kung may lalabas man na boses sa akin ay baka pumiyok lang ako dahil kanina ko pa pinipigilan ang sariling humikbi.

Gusto ko siyang hawakan ngayon. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi na niya kailangan mag-alala dahil nandito ako para damayan siya... pero pinigilan ko ang sarili ko.

I realized that how can I even hold him when he doesn't want to be held?

Kung ako lang sana ay kaya kong hilahin siya patawid sa linyang mayroon ako pero alam kong hindi niya magagawang makalampas sa linyang mayroon siya dahil sa mga nangyari sa kanya.

Wala akong ibang magawa.

Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung paano siya ico-comfort. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin.

Para akong estatwa sa harap niya na naiiyak para sa kalagayan niya.

Pilit kong hinanap ang boses ko. Kahit naninikip ang dibdib ay ilang beses akong huminga nang malalim bago tumikhim muli.

"K-Kung... kung hindi ba ako nakipaghiwalay sa 'yo, pupunta ka bang California?"

Nalulunod ako sa kalungkutan ng mga mata niya. The more I look into his eyes, the more I realized how California broke him.

"G-Gani, please... sagutin mo 'ko... kung hindi-"

"Pinangako natin sa isa't-isa na sabay tayong pupunta ro'n, Bri... hindi 'yong ako lang," He cleared his throat because his voice started to shake. "And to answer your question, yes... kung hindi ka nakipaghiwalay, kung hindi ako nagmatigas, kung nakinig lang sana ako at nagmakaawa pa na bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon... hindi ko na ipipilit ang sarili na pumunta ro'n sa lugar na 'yon."

Kumuyom ang dalawa kong kamao. Iba-ibang emosyon na naman ang nararamdaman ko. Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili.

"I was ready to propose to you again the day you broke up with me," My breathing stopped for a moment.

"A-Ano?"

Sinundan ko ang kamay niya. May dinukot siya sa bulsa at napatakip ako ng bibig nang ilapag niya sa mesa ang isang sing-sing. Pero hindi pa ro'n nagtatapos ang gulat ko dahil may dinukot muli siya at kusang nagsibagsakan ang mga luha ko nang sunod niyang ilapag ang bracelet na binigay ko sa kanya rati.

"G-Gani..."

"Pagkatapos mong umalis no'ng araw na 'yon, bumalik ako, nagbabakasakaling nando'n ka pa pero itong bracelet na lang ang naabutan ko... and these are the only things that I secured from the robbery aside from my passport and some clothes."

Tuluyan na akong napaiyak at kinailangan ko pang dumukdok sa mesa para hindi niya ako makitang lumuluha. Hindi ako makahinga at lalong naninikip ang puso ko sa kinahinatnan niya.

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon