CHAPTER 13

5.9K 337 227
                                    

Hindi ko inaasahan na ganito kabilis ang panahon. Dalawang buwan na agad ang lumipas at ang daming nangyaring maganda.

Umayos ang lagay ni papa at kasalukuyan na siyang nagpapahinga sa bahay. Hindi siya masyadong pinapakilos ni mama dahil baka raw ay may mangyari pa ulit na masama sa kanya. Minsan pa nga ay nagtatalo ang dalawa dahil kahit sa paghahain sa mesa ay pinagbabawalan si papa.

Katatapos lang din namin sa 1st sem. Maraming nakapasok sa honors galing sa section namin at kasama na ako ro'n. Pero nanlalaban ang kaibigan kong is Hans dahil kasama siya sa high honors sa buong batch namin. Nilibre pa nga ako pati na sila Gani sa Samgyup pagkatapos niyang malaman na 'yon ang nakuha niyang award. Sino ba naman kami para tumanggi, diba?

Gani and I are still going smooth. Aware na rin sila mama at papa na nanliligaw ito sa akin. Nagulat pa nga ako dahil kinausap pala nitong si Gani sila mama habang wala ako. Nag-try akong maki-chismis pero ayaw talaga nilang sabihin sa akin kung ano 'yong pinag-usapan nila.

Kaka-November lang at nasa sembreak pa rin kami. Kasabayan namin sila Gani kaya walang nagiging problema ngayon sa oras. Pero tatlong araw na lang at magbabalik klase na kaya naisipan naming gumala ngayon.

Nakatigil ang van sa harap ng bahay nila Adi dahil siya 'yong huling sinundo. Si Uly ang nagda-drive tapos katabi niya si Hans. Sa pangalawang row naman ay ako na pina-gi-gitnaan nila Adi at Gani taps sa likod ay sila Gerard at Fern.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Fern.

"Gusto niyo mag-Baguio?" Napalingon ako bigla kay Uly at mabilis na inilingan.

"Hahanapin ako sa amin tsaka malayo." Um-agree sila Adi sa sinabi ko. "Tagaytay?" Suggestion ko.

"Masyado nang common tsaka feeling ko maraming tao ro'n ngayon lalo pa't sembreak season ng mga estudyante." Singit ni Gerard. Napatango kaming lahat at nag-isip muli.

"Tagal niyo mag-isip." Reklamo ni Hans.

"Wow ha? Makapagreklamo ka para kang may naiambag na."

"Ay may ambagan? Alak na lang sa akin." Hinampas ko siya sa balikat na sinuklian niya naman ng sama nang tingin. "Dapat kasi bago gumala, kumpleto na itenerary niyo."

Lumingon ako kay Gani na tahimik na nakikinig lang simula kanina pa. "Ikaw ba? May naisip ka ba na pwedeng puntahan natin?"

Nagkibit-balikat siya. "May I?" Tukoy niya kung pwedeng i-patong ang ulo sa balikat ko na ikinatango ko naman. "Kung saan kayo, do'n ako."

"Eh kung punta namin sa langit na?"

"Sino may sabing kasama ka sa langit? Ang masamang damo, sa impyerno gumagala."

"Aba't-"

"Eto na naman po sila." Komento ni Gerard na parang pagod na pagod nang marinig ang pagba-bardagulan nila Hans at Gani.

"Let's just go to our family's farm." Singit ni Adi. Sabay-sabay kaming napalingon sa kanya na sinuklian niya naman kami ng isang magandang ngiti. "We all need some fresh air before the second sem starts."

Napatango kaming lahat at kaagad na binuksan ni Uly ang makina ng sasakyan at nagsimula nang mag-drive.

Maya-maya ay sinilip ko si Gani na hanggang ngayon ay nakapatog pa rin ang ulo sa balikat ko at nakitang tulog na tulog ito. Hinawakan ko ang buhok niya at marahan itong hinaplos.

"Ayaw mo matulog, bulinggit?" Tanong sa akin ni Uly na sinilip pala ako sa rear mirror. "Medyo malayo pa tayo sa farm nila Adi." Umiling ako at nag-thumbs-up. Tumango siya at nag-focus na lang sa pagda-drive.

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon