CHAPTER 26

5.2K 308 560
                                    

This chapter is dedicated to my Top 20 gifters on Kumu - February 28, 2022.

silannastan2021, kooyaoj, mynameisjessica, joyceyyy122, jhengski201983, msmaemae10, annabelsison, zanni_bananamilk, julia_nicole, iamsherlyn, clairecoluma, monmoniqueee, janediobeth, cristyann18, niknacks19, aj.deocerarn, siabbygail, eyhang122108, cristinasolis, rheaabad.

Thank you so much for the love and support!!

**

Hindi na siya kumibo at parang gulong-gulo. 'Yon na ang huling pag-uusap namin bago matapos nang tuluyan ang interview.

I stood up and excused myself that I need to go to the comfort room. Pagdating ko ro'n ay agad akong naghilamos. Nagmumog na rin ako dahil parang ang dry ng bunganga ko kakaiyak. After wiping the water on my face, I stared at my reflection.

I can see the shameless and pitiful Brianna. Last time I saw this person was eight months ago.

Napabuntong-hininga aka. Dahil sa interview na 'to, nabuksan muli ang sakit sa puso ko. I still love him so much but it feels so wrong knowing that he's with Adi already.

Napayuko at inayos ang sarili. I decided to re-apply tint on my cheeks and lips to cover the puffiness of my face. Sinuklay ko rin ng ilang beses ang buhok ko at pinatuyo dahil medyo nabasa ito gawa no'ng naghilamos ako.

Kung magtatagal pa ako rito ay baka manghina ako lalo. Sana talaga ay nakinig na lang ako kay Hans. Sana hindi na lang ako tumuloy. Sana nag-aral na lang ako. Sana hindi ko na lang tinanggap 'tong imbitasyon nila.

Puro 'Sana' pero may parte sa akin na nagpapasalamat dahil nasabi ko na ang matagal ko nang kinikimkim. Bahagyang gumaan ang loob ko pero nando'n pa rin ang kaunting takot, bigat, at sakit.

Seeing him in a confused state a while ago made me realize how bad our break-up was. I only told him he changed and didn't elaborate what I meant then he left California with unanswered questions. Sobrang naging selfish ako at inisip lang ang nararamdaman ko.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko muli ang sarili sa salamin. Naglagay ako ng isang plit na ngiti pero nang ma-realize na mukha akong tanga ay agad ko ring tinanggal 'yon. Hinawakan ko ang strap ng bag at naglakad na papalabas ng CR.

Nagulantang ako nang maabutan si Gani na nakatayo hindi kalayuan sa akin. Nag-panic agad ako at hindi malaman ang susunod na gagawin. Parang gusto kong bumalik sa loob ng CR at magpanggap na walang nakita. Kaso ay aatras pa lang sana ako, nagtama na ang paningin namin.

Umayos siya ng tayo at naglakad papalapit sa akin. We were 2 meters apart but I could still smell his strong perfume... my favorite perfume of him.

"May inaantay ka?" Ingat kong tanong.

Pinamulsa niya ang dalawang kamay. "I was waiting for you."

Kumunot ang noo ko at kinabahan. "Bakit? Kaya ko namang bumalik mag-isa."

"The staffs were worried. They want me to check you up since you were already thirty minutes inside the comfort room."

Umiwas ako ng tingin. "Pasensya na. May kinausap pa kasi ako." Pagsisinungaling ko.

Maiksi itong tumango at tinalikuran na ako. Akala ko ay maglalakad na siya pero nanatili lang siya sa pwesto niya. Taka ko siyang tinitigan dahil wala talaga siyang ginagawa kung hindi nakapamulsa lang at nakatayo. Maya-maya ay nilingon niya ako nang bahagya.

"Hindi ka ba papantay sa akin?" Nagulat ako at natuod.

"Huh?"

"Walk while you're beside me."

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon