CHAPTER 2

17.2K 1.1K 1K
                                    

"Galit ka ba?"

Napalingon ako kay Hans na nag-aalalang nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko at tumabingi ang ulo.

"Bakit naman ako magagalit?"

Inabot niya ang pisngi ko at bahagyang kinurot ito. "Kasi iniwan kita kanina sa U-Lane. Bumalik naman ako, eh."

"Hindi, hindi."

"Eh bakit ang tahimik mo?"

"Kasi..." Napakurap ako at sandaling nag-isip.

Bakit nga ba? Dahil ba sa nangyari kanina?

Napahawak ako sa noo ko. Naramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiting namumuo sa labi. Napalunok ako at lumingon muli kay Hans.

"May tanong ako."

"Ano?"

"Hindi ako 'to, ah? Kasi... ano..." Bumuntong-hininga ako at nilagay ang kamay sa ulo. "Grabe, sobrang weird talaga, eh."

Kumunot nag noo niya na parang naguguluhan. "Ano ngang tanong mo?"

"May... ano kasi... may nakita ako sa U-Lane kanina tapos 'yong babae may atraso sa lalaki tapos sabi no'ng babae gawin mo rin ginawa ko sayo, blah blah blah, tapos hindi pumayag si lalaki, eh parang hindi naman sila magkakilala tapos alam mo ba biglang hinalikan ako no'ng lalaki sa noo tapos ngumiti siya sabay sabing 'Bayad ka na.' tapos umalis na siya kasama ng friends niya!" Kwento ko habang lumalaki ang mga mata. I added some gestures para naman maniwala siya sa akin.

Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. "Anong... sinabi... mo?"

I leaned forward and whispered. "Ngayon ang tanong ko, na-love at first untog ba 'yong lalaki sa babae kaya hinalikan niya 'yon?"

Umayos ako at nag-antay ng sagot mula sa kanya. Sa kanya ko tinanong 'to dahil lalaki siya at tsaka bukod sa kanya wala na akong matinong makakausap tungkol dito dahil aasarin lang ako ng iba. I patiently waited for another minute but he just kept on staring at me with a frowned face.

Kinalabit ko ang tenga niya at ngumiti. "Ano na?"

Umigting ang panga niya at umiwas ng tingin. "So, you're telling me, may humalik sa noo mo kanina no'ng iniwan kita tapos hindi mo kilala?"

I rolled my eyes at him. "Hindi ka ba nakikinig, ha? Sabi ko hindi ako 'yon. Hindi tungkol sa akin. Nakita ko lang sa U-Lane kanina! Tsaka ako? Magpapahalik? Never!"

Matagal niya akong tinitigan at biglang natawa. "Okay, okay, hindi ikaw 'yon."

"Hindi talaga ako 'yo'n! Tsk, 'yong sagot sa tanong ko! In love na ba 'yong lalaki?! Hans naman kasi dami pang sinasabi, eh."

Bumuntong-hininga siya at humarap sa white board. "Hindi love at first untog 'yon."

"Ano pala?"

Lumingon siya sa akin at ngumisi. "Kabobohan."

My smile faded at his response. My heart sank for a bit because I think I was anticipating for a different reply. Tumikhim ako at ngumuso. "Bakit naman kabobohan 'yon? Grabe ka!"

"Brianna, my girl..." He pinched my nose and gave me a small smile. "First of all, why would you let a stranger kiss you here?" Tinuro niya ang noo ko. "Second, why would you conclude that he's already in love with you? Ang paghalik ba sa noo ay isa na sa mga batayan na mahal ka no'ng lalaking 'yon? Tsansing tawag do'n, baliw. Third, nakakapagtaka lang kasi hindi sila magkakilala pero bakit niya kailangan dumihan ang labi niya, diba- aray!" Hawak niya ang brasong hinampas ko.

CLOSUREWhere stories live. Discover now