CHAPTER 18

5.9K 276 89
                                    

"Ms. Sison." Dahan-dahan akong tumayo. Ramdam ko ang mga titig ng mga blockmates ko habang hinaharap ko ang prof ko. "Are you dozing off?"

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na umiling na may kasama pang kamay. "I'm not dozing off, ma'am."

"Then why are you yawning?"

Natahimik ako at umiwas ng tingin. "Sorry, miss."

"Hindi ba tinuro sa inyo na ang paghihikab ay isang malaking kabastusan sa aming mga guro?"

"Hindi na po mauulit."

"Tumayo ka riyan hanggang sa matapos ang klase."

Kinalikot ko ang mga daliri ko nang magpatuloy siya sa discussion niya. Ramdam ko ang pagkapahiya ko at ang mga iilang sulyap galing sa mga bockmates ko. Huminga ako ng malalim at tinatak sa isip na parte lang 'to ng proseso sa pagiging matatag habang nag-aaral sa college.

Imbis na magtanim ng sama ng loob ay kinuha ko ang ballpen ko at pasimpleng nagsulat sa notebook ng mga sinasabi ng prof namin. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami ni ma'am pero agad din naman akong umiiwas dahil baka ay lalo pa itong magalit sa akin. Tumigil lang ako nang matapos ang klase. Nang makalabas na ang prof namin ay agad akong umupo dahil ngalay na ngalay ang binti at braso ko.

Inabutan ako ng tubig ni Hans at walang sabing ininom ko 'yon. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng malalim na paghinga kasabay nang pagsandal ko sa upuan.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Hans.

Tumango ako. "Wala, eh. Kasalanan ko rin naman,"

"Nagpuyat ka ba ulit?"

Hinawakan ko ang ulo ko at pumikit. "Tinapos ko na agad 'yong apat na essays."

"Next week pa deadline no'n ah?"

Binuksan ko ang isang mata para matignan si Hans. "Para wala na akong iisipin pa masyado. May gala tayo sa weekends diba?" Humikab muli ako umubob sa arm chair. "Gisingin mo na lang ako kapag nandiyan na 'yong susunod na prof."

It's been 5 months since our college life started. 1st year, 1st sem pa lang kami pero 'yong pagod ko parang pang-4th year na. Hindi consistent ang blockmates namin. Halo-halo ito at may mga iba na galing sa ibang courses kaya wala akong masyadong nagiging ka-close hanggang ngayon bukod kay Hans na katabi ko na simula first day pa.

Sa totoo lang ay hirap akong mag-adjust lalo na no'ng first month. Uuwi kami ng gabi pero hindi pa kami pwedeng magpahinga dahil sa mga assignments. Pagkatapos no'n ay gigising kami ng maaga para pumasok ulit. Paulit-ulit ang routine na 'yon hanggang sa nasanay na ang katawan ko.

Nanibago rin ako sa mga profs dahil bukod sa hindi naman sila pamilyar sa akin, ang iilan pa rito ay napaka-strikto katulad na lang no'ng prof namin kanina. May mga considerate at friendly kaming profs pero ipaparamdam talaga nila sa inyo na iba na sa College at may boundaries talaga.

Sa limang buwan na lumilipas, hindi ko na mabilang kung ilang beses akong umiyak dahil sa pagod. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang naging resulta ng Prelims ko. I had my first ever line of 7 and it was very awful. Major subject pa 'yon kaya lalo akong nanlumo nang makita ko 'yon.

After that, I had to keep in my mind that I have to do well. Simula no'n ay nagbabad na ako sa pag-aaral. I've been studying for hours without any breaks. I'm not opening my social medias at hindi ako lumalabas ng kwarto para makipag-usap kila mama kapag oras na nang pag-aaral ko.

Gano'n lagi ang routine ko hanggang matapos ang Midterms... hanggang ngayon.

"Sasabay ka ba sa akin?" Umiling ako kay Hans. "Ingat kayo ni Isagani."

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon