CHAPTER 4

13.3K 924 688
                                    


Note: Please refrain from mentioning characters from different stories. Thank you.

**

Monday na naman at kasalukuyan kong kagat-kagat ang dulo ng ballpen nang tawagin ako para sa recitation namin sa Fundamentals of ABM. Malikot ang mata ko pero nagawa ko pa ring kumalma nang magkatitigan kami ng teacher ko.

"Did you review?" Kalmado niyang tanong sa akin habang shina-shuffle ang mga index cards.

Dahan-dahan akong tumango at hilaw na ngumiti sa kanya. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam kong nag-aral ako pero ayoko pa rin namang makampante dahil madali akong ma-mental block.

"For 10 points, Ms. Sison..." Napalunok ako at humigpit ang hawak sa palda. "What are the reasons for Uniform Accounting Standards?"

Umayos ako ng tayo. "Uhm..." Ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa gilid ng noo ko kaya huminga ako ng malalim. "There are four reasons for Uniform Accounting Standards. These are; fair presentation of financial statements; need for reliable information can be satisfied only if there are generally accepted rules and principles..." I tapped my thigh, remembering the other two reasons. Tumingin ako sa teacher at nakita kong nakatingin lang siya sa akin kaya lalo akong kinabahan. "Third reason... uhm... there would be no b-basis for comparing the earnings and financial positions of different firms..." tumango siya kaya napanatag ang loob ko. "And the last one, records and reports of a particular entity could not be compared for different periods unless accounting principles are applied constantly."

Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko at ang pagkatuyot ng laway ko pagkatapos kong sabihin ang huling sagot ko.

"Are you sure?" Napangiwi ako dahil alam ko na 'yong tactic na gano'n. Sasabihin niya ang phrase na 'yon para mas lalo kang ma-confuse kung tama ba talaga o mali 'yong sinagot mo.

Tumango ako at pasimpleng nilingon si Hans sa tabi ko para i-kumpirma na tama ako kaso nasa harap lang ang tingin niya kaya napasimangot ako. "Yes, ma'am! That's my final answer po."

May sinulat siya sa index card niya at tumango. "Sit down."

Nakahinga ako ng maluwag dahil walang follow-up questions. Nagpatuloy ang recitation at halos lahat ay nakasagot naman. Maraming matalino sa section namin pero wala namang competition. Kalmado akong nag-antay na matapos ang klase. Papikit-pikit na ako nang maramdaman ko ang tapik ni Hans. Nilingon ko siya at tinaasan ng dalawang kilay.

"Hmm?"

"Wala na si ma'am. Recess na."

"True ba?" Nawala ang antok ko nang pitikin niya ang tenga ko. "Aray naman!"

Hindi niya pinansin 'yon at lumapit pa lalo. "Anong nangyari?"

Kumunot ang noo ko. "Ha? Nangyari saan?"

"Makiki-chismis ako. Diba niyaya ka no'ng mani-"

Malakas akong tumawa. "Gani, Hans. Pangalan niya ay Isagani."


"Whatever." He rolled his eyes. "Bakit kasi Gani nickname mo sa kanya, eh pwede namang Isa...bolero." Tumawa siya sa sariling joke at nang makitang hindi ako natawa ay umubo siya.

Ngumuso ako at bumuntong-hininga. "Hindi ako nagising."

Nakita ko sa peripheral vision ko ang mabilis na paglingon niya sa akin. "Ano?"

"Nag-alarm ako ng 3:50 AM tapos nagising ako 9 AM na." Bagsak balikat ko siyang nilingon. "Sa sobrang kahihiyan ko, hindi ko siya ma-message. Baka akalain no'n hanggang ngayon tulog pa rin ako."

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon