Chapter 42: He's the Last

55 5 3
                                    


I walked silently, he's walking next to me carrying all my bags with him. He insisted to drop me off at our dorm, gabi na raw kasi. Marami pa naman tao sa paligid pero wala na akong nagawa. Ayaw ko na rin ng karagdagang sagutan.

Parang namanhid nang saglit ang emosyon ko. I can't say it wasn't painful on my part but I'm thinking about him. It was way too self-centered to be mad at him. It would be too immature of me.

Kung puro 'ako' na lang nang 'ako', hindi tama 'yon.

Humugot ako ng malalim na hininga hanggang sa marating na namin ang mismong pinto ng aking dorm, mismong pinto niya pa ako hinatid. Pinihit ko ang knob para tingnan kung naroon si Ester, walang tao sa loob.

Saglit akong nag-angat ng tingin kay Yandiel na nasa likod ko at lumunok. "Salamat sa paghatid."

Muli ko sanang pipihitin pa-bukas ang knob pero pinigilan ko ang aking sarili. I looked at him once again with all my might. I found myself extending my hands, giving a little caressing to his messy hair like what I used to do whenever he's doing this.

Effort and acts of service is his love language. Love languages are mostly by words, gifts and physical touch. But I noticed that his love language is servoce and quality time, mine is obviously physical touch. I hope I made him happy with little things we do, kahit medyo makamundo ang mga iyon.

Alas otso dumating si Ester dahil kakatapos lang ng kanyang trabaho. Wala na siyang matutuluyan, hindi ko alam kung ano ang tunay na nangyari kung bakit nagkagano'n, hinihintay kong magsabi siya. My dorm isn't that wide but enough to shelter the both of us.

But having her here is a good thing to me too, it makes me happy. We share devotions every night and then we laugh talking silly things before we sleep, Ester is a great roomie. She's always positive, no wonder why she has a lot of friends.

Akala ko nga dati ay masungit siya, yung tipo na mahirap lapitan. Turns out, it was all her jokes and she likes fooling around.

"Ano? Tumigil si Yandiel na ligawan ka?" Nalukot ang mukha ni Ester.

Napaawang ang bibig ko at tumango. "Mmm."

Natulala pa siya at parang napaisip. "Nililigawan ka ba niya?"

Tumawa ako nang mahina dahil sa kanyang reaksyon. "Hindi ba halata?"

"Oo, parang magkaibigan lang kayo, pero ikaw lang yung nag-iisang kaibigan niyang babae. Ewan ko ba, bakit hindi ko man lang naisip?"

Nagtipid lang ako ng ngiti at nagkibit-balikat. "Problemadong-problemado na 'yon ngayon. Naaksidente kasi yung kapatid niya tas parang medyo nag-away pa kami. Tapos wala pa siyang pera pambayad sa bills sa infirmary," paliwanag ko at hinilot ang aking sintido. "May extra pa naman ako dito, magtitira na lang ako ng pamasahe natin para bukas."

"Pupunta ka sa infirmary? Tapos na yung lesson plan mo?" tanong ni Ester.

"Mmm. Tapos ko na mamayang madaling araw tapos pupunta ako sa infirmary bukas ng umaga."

I'll help him with a little finance, that's one thing I could help with.

May tatlong libo sa aking wallet at kumuha ako ng dalawang daan doon para pamasahe namin ni Ester papuntang Urias. Maaga akong nagising kinabukasan para bumili ng lugaw at mga prutas.

Sa kaliwang side ng infirmary ang ward ng mga babae. I scanned the private rooms and there's no one. Binuksan ko ang sliding door at tinanaw ang pinaka-malaking ward. There I saw a familiar woman sitting beside an hospital bed, her head was leaning on the bed and it looks like she's sleeping.

Covenant in the WildernessМесто, где живут истории. Откройте их для себя