Chapter 33: Can't Talk To Him

62 10 0
                                    


Nang makababa ng XLT ay tinakbo ko na agad papasok ng gate. Nasa bungad pa lang ako ay rinig ko na ang ingay ng mga estudyante sa umali gym, malapit sa science high school. Halo-halo na ang mga estudyante rito mula sa iba't-ibang course.

Nanlumo ako nang makita kung ano na ang ganap. I know this will happen, they'll all stand up in front of the stage and will carry shame with all the students looking at them.

"Ayan, ang yayabang niyo, ha. Tingnan natin galing niyong lahat ngayon." Tumatawa ang lalaki na nakatayong pinakamalapit sa akin, pinagkukwentuhan nila at tinatawanan ng kanyang kaibigan ang nangyayari sa stage... kung saan naroon sila Yandiel.

"Mga baliw yata 'yang mga 'yan. Akala naman nila kina-cool nila 'yang ganyan. Mga frat boys, ampapangit niyo." Nagtatawanan rin ang grupo ng mga babae sa aking harapan. "Joke lang, may pogi doon sa gilid."

Humugot ako nang malalim na hininga at hinawakan lang ang straps ng bag at nakatingala. My heart is beating on its unusual pace. Natagpuan ko si Yandiel na nakatayo rin sa bandang likod at nakatingin sa akin, mariin na nakatikom ang bibig at walang emosyon ang mukha.

I don't really know what I should feel about this.

Now, they're already facing the punishment I'm expecting for them, why do I feel like this now? I want them to learn through the punishment for their unpleasant actions.

Medyo mabigat lang ang dibdib ko sa nangyayari ngayon. Mga kaibigan ko 'yan, nakakalungkot lang na makita sila sa taas. Gusto ko lang silang makita sa taas ng stage kapag graduation na namin. Hindi ang ganyan.

"The sanctions, penalties, or interventions are imposed not as retribution for the offense but as a corrective measure to reform and prevent committing similar or graver infractions and so as not be imitated by other students."

"Upon formal investigations, we came into sanction. Lambda Rho Upsilon and all the chapters will be shut down, and those responsible will be held accountable. These students will serve as a lesson for everyone, there will be no more hazing involved in fraternities, severe or not. This will remain on a student's record, indefinitely."

And Ester's up there too. She said she has a lot of friends, what would they say to her now?

Umalis ako sa gym para pumasok na dahil male-late na ako, kailangan ko pang lakarin nang kaunti ang papunta sa CED. Hindi ko na matanto, wala akong maintindihan. I can't recognize if I feel disappointed or what. But then I realized, I also had a gut to be among them then.

I tried to be with someone like them, without a clear purpose and action, with just a hidden agenda for my evangelism. I wasn't expecting this, that a simple concept of fraternity... would be involved in someone's death.

Tumigil ako sa paglalakad at tiningala ang lalaking nakatayo sa aking harapan at sinadyang salubungin ako. Seryoso ang tingin sa akin ng aking pinsan at nakasilid ang isang kamay sa bulsa ng kanyang slacks.

"Pupunta ka ba sa gym, Don?"

His lips moved and just shrugged. "Wala naman akong pupuntahan doon."

I paused until he finally turned his back on me to walk straight to our block. Parang paalis na sana siya ng lugar pero muling babalik nang makita ako.

"Don," muli kong tawag sa kanya.

"Oh?"

"Hindi mo ba pupuntahan sila Ravi? Nandoon kasi sila." Sinundan ko siya at pinagpag ang aking skirt.

"Huwag ka nang lalapit sa mga 'yon. Hindi ka ba natatakot? Layuan mo na 'yong mga 'yon."

"What on earth are you saying? Tara na doon sa gym, kahit ngayon lang mag-skip muna tayo, kailangan kasi yata tayo doon ngayon. Walang kasama yung tatlo, tapos si Ester na ka-kilala ko, nandoon din."

Covenant in the WildernessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang