Chapter 40: Someone Else's

42 3 1
                                    


"Eh..." I pressed my lips and bit it. "Chapter 14 na ako bukas. 1 Hari, fourteen."

Sinara ko ang aking Bibliya at saglit na pumikit. I took several deep breaths for almost 30 seconds. Pagbukas ng aking mata ay tumanaw agad ako mula sa bintana, sa lalaking nakasandal sa pader at hinihintay ako.

"Aga natin, ah?"

Yandiel chuckled and stood firmly while fixing his uniform. "Tapos ka na?"

Tumayo ako at nilabas ang ulo sa bintana para mas makita siya. He remained looking up to me with a grin on his lips. I smiled widely, ngiting tagumpay. A road of the mountains is the best place and the best time I thought to answer him, But we were busy praising God that making the place much more beautiful.

"Akyat ako dyan?" marahan niyang tanong.

"Mmm. Kunin mo yung ID mo, nasa akin."

Inaayos ko ang aking bag at mga kumpol ng mga manila paper na inihanda ko kagabi. We're now on our third year, it seems fast. Perks na sobrang busy sa isang course, mapapansin mo na parang ang bilis ng araw.

"Ano yung assignment natin, bes? Saang reading ka na?" nilingon ko siya na parang batang naghihintay sa hamba ng pinto. He just chuckled and shrugged his shoulders. What's with him.

We challenged each other to read the whole Bible in three months and nine days. Pakiramdam ko nga ay kaya niyang tapusin ang New Testament sa mga tatlong upuan lang. Ang bilis niyang natapos yung New Testament na ibinigay ko sa kanya, tuluyan ko nang ibinigay yung New Testament ko sa kanya.

"1 Cronica pa lang."

Natawa ako. "Kagigil ka. Ako nga 1 Hari pa lang. Hintayin mo garod ako."

Tuluyan na siyang sumandal sa hamba ng aking pinto. "Sige. Hihintayin kita."

I know this year will be a lot tougher. I had to retake that subject, baka mahuli pa akong mag-graduate kila Don at Yandiel dahil doon. We will start our internship for observation, we are being evaluated about it. Buti ay sa fourth year pa iyong mismong magde-demo kami sa mga bata.

We will be given a school to be trained to and a cooperating teacher that will help us along the way, we'll learn through their teaching strategies, attitude and proper behaviors. First year pa lang noon ay iyon na ang nilo-look forward ko.

Two years... dalawang taon na lang. Mabilis na lang iyon.

"Saan kaya tayo madedestino?" Inayos ko ang pagkakasukbit ng aking malaking bag sa balikat kaya kinuha ni Yandiel ang paper bag na hawak ko sa kabilang kamay.

"Matic na Munoz na 'yan," sagot ni Don. "Wagwag na wagwag na 'ko. Buhay pa ba 'yon?" tukoy niya sa isang lugar doon sa Munoz, sa clock tower na pinuntahan namin ni Ester noong nakaraang taon. Sikat nga 'yon sa Munoz dahil nandoon ang hilera ng mga food court, may mga ukay-ukay pa.

"Bukas pa ba yung wagwag?" Nilingon ko si Yandiel na katabi kong naglalakad, bitbit ang mga alsa-balutan ko sa buhay at walang emosyon ang mukha. Napanguso ito at tumingin sa akin.

"Oo, nagtitinda pa doon si mama, eh." His lips curved while looking at me. "Na-miss mo na bang magpunta doon? Ihahatid ulit kita sa sakayan ng XLT pauwi."

Namula ang aking pisngi nang may maalala. Mabilis ko siyang hinampas sa likod at tumawa nang malakas, nakalimutan yatang kasama namin si Don, ang dakilang pinsan. He promised to filter his mouth when we're with my cousin, si Don pa naman ang hindi namin maiwan-iwan.

"Ayan na yung mga businessman." Humalakhak si Don at sinundan ko ang tinatanaw niyang sila Aiden at Ravi na palapit sa aming tatlo. Lakas, CBAA. Graduating na itong dalawang 'to.

Covenant in the WildernessHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin