Speaking of him, ewan ko kung aattend siya sa graduation ko. Tinanong niya sa akin kung kailan at sinabi ko naman sa kanya pero ewan ko lang kung pupunta siya. Nasa Hawaii siya at may kailangan siyang iattend na fashion week.

Nagsimula na ang program. Umayos ako ng upo. Nakinig at nanuod lang ako. Nang tumayo kaming lahat para sa diploma namin ay nagsigawan ang mga estudyante. Siguro dahil sa kagalakan. Tatlong oras ang program. Natapos yun ng alas sais ng hapon. Bago kami umalis ay binati ko muna ang mga kaklase ko. Nagpaalam na rin ako at sumunod kina itay sa labas.

"Saan mo gustong kumain? Gusto mo sa Jollibee?" Si tiyang.

Binigay ko sa kanya yung diploma ko at yung sling bag dahil hinuhubad ko yung black gown.

"Sige. Diretso din ba kayo sa bahay tiyang?"

"Oo. Gabi na rin at para makapagpahinga na." Sagot niya.

Bumuntong hininga ako at saka ko tinupi ng maayos yung gown ko. Nasa labas kami ng gate nang mapatingin ako sa kotse na hindi kalayuan sa amin. May pitong metro ang layo niya. Hindi ko matiyak kung may tao ba sa loob pero pamilyar yun sa akin.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang makita ko si Phoebian na binuksan ang driver's seat at naunang lumabas ang kanyang ulo. Pagtayo niya at makompirma na siya yun ay mas lumakas pa ang tibok ng puso ko sa nerbyos. Kasama ko si itay at si tiyang. Hindi pa nila alam na may manliligaw ako. Ang masama dito ay ayaw ni itay sa mayayaman. Hindi ko alam pero nang may pumarang taxi sa harap namin mismo ay bahagya kong tinulak sina itay pasakay. Ganun din ako. Nagulat nga sila pero dinahilan ko na nagugutom na ako.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa labas. I feel sorry kay Phoebian dahil iniwan ko siya. Kinuha ko agad ang bag ko. Mabuti at nadala ko ang cellphone ko. Mabilis akong nagtipa sa keyboard at humingi ng pasensya.

Maia:
Sorry Phoebian. Hindi ko pa pinaalam kay itay na may manliligaw ako. Sorry dahil umalis agad kami. Magagalit kasi yun. Pwede ba tayong magkita nalang sa susunod na araw? Huwag lang bukas dahil kasama ko pa sila.

Yun ang sinabi ko sa mensahe ko. At naisend ko agad. Malalim akong humugot ng hininga at sumandal sa inuupuan ko. Alam ko na dumilim ang tingin niya sakin dahil sa ginawa ko. Magalit man siya, ewan ko nalang. Hindi ko naman kawalan ang ganun dahil ngayon palang ay nagpaliwanag na ako. Sana ay mabasa niya agad.

Bago kami umuwi ay kumain muna kami sa Jollibee. Bukas ay pupunta ako sa bahay para ayusin yung lupa. May buyer na kami. Yung lupa na yun at yung bahay namin ay ibebenta namin sa mayor ng syudad. Eh magiging daanan ng train naman yun kapag wala ng naninirahan. Ewan ko ba, dapat kahit nasa squatter area man ay dapat malinis yung kapaligiran. Walang problema basta diseplanado ang mga tao. Yung plano ng mayor ay ipapagawa nalang ng daanan ng train para mas mapakinabangan yung mga bakante na lupain.

Sabay kaming sumakay sa isang taxi nina itay para daw matiyak nila na makauwi ako ng ligtas sa apartment. Nang makababa na ako sa harap ng apartment ay nagpaalam na ako kina itay na papasok na. Nagbilin naman sila na ilock ko daw yung mga bintana at pinto. Alam ko yun. Naghintay muna ako sa labas para makita yung taxi na papaalis.

Patalikod ako para pumasok na ng apartment ng may tumawag sa akin. Akala ko ay guni-guni lang yun. Hinila ko ang paningin ko papunta sa lalaking nakatayo sa ilalim ng puno ng mangga. Napasinghap ako at mabilis na naglakad patungo sa kanya.

"Phoebian! Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa mga kapitbahay ko. May mga ilaw pa sa loob ng kabahayan. Alas otso palang at tiyak na gising pa sila.

Magkasalubong ang kanyang kilay na tumingin sakin.

"You left me there. Do you think I will just let your family scold you because you let me courted you? I will apologies for that but I want to hear your father's comment about us. Manliligaw mo palang ako pero daig pa nito na may relasyon na tayo. I will also court your family para pumayag sila. Hindi naman kita pagsasamantalahan."

PhoebianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon