Chapter 25

216 2 0
                                    

NAMALAYAN KO nalang ang sarili ko na nakaupong yumuko dito habang nakatakip ang dalawang tenga ko gamit ang aking magkabilang kamay.

Hindi ako mapakali. Naramdaman ko na nangingiyak ang buong katawan ko ngayon sa takot at nerbiyos. Napatingin ako kay Saji na impit pa rin ngayong umiingay habang tumutulo ang mga luha n'ya sa kaniyang mga mata.

Dumungaw ako habang nakatago dito sa likod ng kotse na nakayukong naka-upo. Halos mahuhulog ang puso ko nang madatnan ko sa eksenang nagyayakapan sila Philip at Ate Tanya. May relasyon ba sila?

Tiningnan ko ulit si Saji. Kinakabahan ako. Lalo na iniisip ko kung saan nang-galing ang tunog ng baril. Tiningnan ko ulit si Philip. Wala naman siyang hawak na baril. Dahil yakap n'ya pa rin si Ate Tanya ngayon.




“S-saji. Ililigtas kita. Kakalagan ka ni tita...” Nangingiyak na ani ko sa kaniya. Tuloy-tuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko habang tinatanggal ang  mga lubid na ginapos kay Saji.

Natanggap na lahat. Pati ang itim na takip sa bibig n'ya ay tinanggal ko na rin.

Sa tuwa, mabilis kong kinabig papalapit sa akin ang pamangkin ko at saka ko siya mahigpit na niyakap. Namiss ko siya. Hindi ko napigilang humagulgol ng mahina. Baka marinig n'ya kami.

Ang sakit sa puso ko. Parang natanggalan ng tinik itonv puso ko habang yakap itong pamangkin ko.


“Shhh.... Huwag kang maingay. Ilalayo kita dito....” Mahinang bulong ko sa kaniya. Iyak ang isinagot n'ya sa akin. Mabilis kong pinahiran ang kaniyang luha sa kaniyang pisnge.


Dahan-dahan ko siyang kinarga para makababa siya at saka dahan-dahang sinara itong nakatakip sa compartment ng kotse na 'to. Dinahan-dahan ko talaga na hindi makalikha ng ingay.

Mabilis kong hinawakan si Saji sa pulsuhan n'ya. Baka bigla siyang sumigaw o lumayo sa akin. Patay kami dito.

Nanatiling nagyayakapan sila Ate Tanya at Philip na sabik na sabik sa isa't isa. Gumugulo pa rin sa isip ko ngayon kung ano ang relasyon nilang dalawa.


“Si Ninang Tanya!” Binundol ako ng kaba nang umingay si Saji. Mabuti nalang mahina. Dahil nagyayakapan pa rin ang dalawa ngayon.

Mabilis kong tinangay si Saji habang hila ko siya sa pulsuhan n'ya para makalayo kami dito at maligtas ko si Saji.

Sobrang layo ng tinakbo naming dalawa. Tumigil ako at maging ang bata. Sumakit ang gilid ko na feeling ko mga organ sa loob ng katawan ko ay naapektuhan na ngayon. Sa layo ng tinakbo naming dalawa. Hiningal akong habang nakapikit.

Tiningnan ko ang bata na may konting galos sa pisnge n'ya. Dumaan lang naman kami sa may talahiban. Actually, ang hapdi ng mga kamay ko ngayon. Sumasagi kasi sa balat ko ang dahon na ang tutulis pa naman. Tapos magaspang na magkasugat ka talaga. 'Di ba ang sakit sa balat?



“S-saji..... Kaya pa?” Nahihingal na tanong ko sa kaniya habang kumukurap ako. Para lang habulin ang hininga ko na nawawala. Tipid na tumango ang bata. Kaya hinaplos ko siya sa buhok n'ya.

“Malapit na tayo. Akyat ka sa likod ko. Papasanin kita.” Pinuwesto ko ang aking sarili na bumaba ng konti habang nakayuko para pumantay sa kaniya.


Naramdaman ko naman ang dalawang braso nito na ginapos n'ya sa leeg ko. Bumaba ako ng konti at saka ko hinanap ang magkabilang tuhod nito na binuka ko para maayos ko siyang pasanin sa likod ko.

Alam ko na hindi na kaya ni Saji ang tumakbo pa. May hika kasi siya kaya na-a-awa ako sa kaniya.


Ako ang tumakbo. Ramdam ko naman ang ulo ni Saji sa balikat ko. Umidlip siya siguro. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makaabot kami sa kalsada. Alam ko na national road na 'tom. Dahil sa four lines.



Waitress to Adore ✅Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz