“May bukas kasing bar. May nag-yaya lang sa akin. Punta raw ako do'n mamaya.” Gusto kong sumabat. Mas pinili ko nalang manahimik. Alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling si Ate Tanya ngayon. Halata sa mukha n'ya na balisa ngayon.

Napabuntong-hininga ako. Lumulubo yata ang puso ko ngayon. Kaya bumibigat ang aking pag-hinga. Nasobrahan sa hangin kaya ang bigat ng puso ko ngayon. Ang importante, humihinga.


Agad nila akong tiningnan nang tumayo ako at nag-paalam sa kanila na matutulog na ako. Ang totoo, mag-ha-handa lang ako para sundan maya-maya si Ate Tanya.

Nakabihis na ako. Ang nakatawa, para akong holdaper na kidnaper sa ayos kong ito. Kulay black na leggings ang suot ko, black na rubber shoes na Nike. Bigay ni Ate Tanya, bilis n'ya sa akin. May mga damit na ako dito. Nagulat nga ako pagpasok ko kagabi para humiga dito. Ang dami kong mga damit na susuotin dito sa closet ng kuwarto na 'to. Akin daw lahat ng mga ito sabi ni Ate Tanya.


Then, longsleeve na kulay black na fitted sa body ko na ang higpit ng pagka-suot. Makahinga pa naman ako.

Dumito muna ako sa loob ng kuwarto ko. Hindi pa naman alas-siyete. Dito ako pumuwesto sa may bintana na tanaw ang gate sa labas. Baka kasi lumabas si Ate Tanya. Kaya taimtim akong nagmamasid dito.

May thirty minutes nalang. Hanggang sa five minutes nalang bago mag alas-siyete. Napabaling ako sa labas at lumaki nalang ang mga mata ko nang makita ang sasakyan ni Ate Tanya na papalabas.


Agad na akong kumilos. Dahil alam ko na hihinto pa siya para isara ang gate.

Binilisan ko ang pagtakbo. Nakita ko pa sa kusina si Ate Anya na nagliligpit. Hindi n'ya ako nakita.


Ang nakatutuwa ay paglabas ko ng bahay, ay siyang pagpasok din ni Ate Tanya sa kotse n'ya at saka n'ya pinaandar.

Sa totoo lang, ang bobo ko pala. Hindi ko na-planuhan ng maigi ang masasakyan ko para sundan si Ate Tanya. Like, ang bobo ko!

Wala sa sarili akong napasabunot sa aking mga buhok. You know what? Ang swerte ko rin pala. Kasi paglabas ko ng gate ay may paparating na taxi na aking pinatahan. Huminto naman 'yong driver at saka na ako sumakay sa loob.

Ang lakas ng kabog ng aking dibdib, intense!


“Kuya, pakisundan po 'yong kotse. Hayon po!” Turo ko sa sinusundan naming kotse ni Ate Tanya. Hindi pa nakakalayo si Ate Tanya. Puwede pa siya naming habulin at puwede kaming mag-overtake.

Napansin ko lang. Bakit ang bagal ng maneho ni Ate Tanya. Napansin n'ya kaya na sinusundan ko siya?

Oh no! Sana hindi naman. Binundol ng kaba ang puso ko kung paano nalang alam n'ya talaga na sinusundan ko siya.

Nakasunod kami sa kotse ni Ate Tanya. Hindi ko in-alis sa mga paningin ko ang kotse n'ya na kasalukuyan naming sinusundan.

“Sino po ba 'yan, ma'am? Baka mapahamak tayo o madamay ako.” Nagambala ako sa binanggit ni Manong Driver.

“Ate ko po siya, kuya. May pupuntahan kasi siya ngayon. Hindi n'ya ako sinama. Kaya sinusundan ko siya. Para ma-surprise siya.” Tumango naman 'yong driver sa paliwanag ko. Alam ko na naniniwala siya sa akin ngayon.

Actually, ang lapit ko na dito kay Manong Driver. Ayaw ko kasi ma-alis sa buong paningin ko ang kotse ni ate. Baka i-ligaw n'ya kami o kami ang maligaw. Dahil mali ang sinusundan namin. Dahil siya ay lumiko na. Ang dami kasing mga sasakyan.

Matagal ang biyahe. Napansin ko nalang na nasa Quezon na kami ngayon. Dito talaga ba sila sa Quezon mag-ki-kita? At sino naman 'yong tao.

“Huminto na po ang kotse?” Tiningnan ko nga at nakahinto na ang kotse ni Ate Tanya sa isang bahay na ang ta-taas ng pader. Tapos nag-i-isa lang ang bahay na 'to dito. Malayo ang mga kabahayan.

Waitress to Adore ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon