08

11 4 1
                                    

ARCHIELLE


Tulad ng sinabi ni Luke ay sinundo niya ako. Ewan ko ba sa kanya kung bakit kailangan pang sunduin, e pwede namang hintayin nalang niya ako sa school niya.

Wala siyang alam tungkol sa mga nangyari. Ayokong ikwento sa kanya at sinabihan ko rin sila Rio na walang magsasabi kay Luke sa nangyari. Baka mamaya ay lumipat talaga siya ng school.

Pati ang nalaman ko na ang Student Council President namin na si Reihl ay hindi ko maikwento sa kanya. Ang naaalala ko lang ay yung tinanong ko kung kilala ba niya iyon, pero ang detalye niyon ay hindi niya alam.

Pagdating namin sa condo ko ay pareho naming binagsak ang aming katawan sa sofa. It was a tiring day! I was abducted and I saw the other side of Ryz. The Vice President.

Sandaling nagpahinga sa condo ko si Luke bago nagpaalam na aalis. Ang sabi niya ay may night out daw sila at wala siyang balak na isama ako. Baka raw tulad nang nakaraan ay mawala nanaman ako at umuwi sa condo ng ibang tao.

Kung sa condo ulit ni Reihl ako mapupunta e, why not? Charooot. Don't do anything stupid nga raw sabi ni Kuya Alistair 'di ba?

Ang sabi pa niya ay roon muna siya sa sarili niyang condo uuwi. Mabuti nga iyon para magkaroon naman ng silbi 'yong condo niya.

Pagkatapos kong magdinner ay agad akong naligo at nag skin care. Baka mamaya ay magkita kami ni Reihl my loves. Nakakahiya kasi sa skin niya.

Oo nga pala, hindi ko nakita si Reihl sa orientation noon at wala rin sa board ang pangalan niya. Maging sa meeting ng mga SC officers ay wala siya. Bakit kaya?

SC President tapos MIA? Ang sabi pa sa akin ni Rio ay landslide raw ang nakuha niyang boto noong nakaraang eleksyon. Tapos silang dalawang magkapatid pa ang may hawak ng dalawang pinaka mataas na posisyon?

Ano? Balak ba nilang sakupin ang school? Kawawa naman pala si Ryz, kung ganoon? Dahil wala si Reihl, automatic na siya ang sasalo sa mga responsibilidad ng President.

Iyong sinabi ni Ryz na hindi ako pwedeng makita ni Reihl ay nagdala ng malaking katanungan sa akin. Bakit bawal? Wala akong ginawang mali.

Paano kaya nila nalaman kung saan nila ako dinala? Kasi kung iisipin ko ay madalang lang ang taong pumupunta sa parteng iyon ng school.

Ah, oo nga naman. Hindi naman ako itatago ng mga taong yon sa lugar na pinupuntahan ng maraming tao, 'di ba?

Ang sabi ni Rio ay expulsion na raw ang pinakamahinang parusa ang ibibigay sa mga dumukot sa akin. Ganon raw kasi magalit si Ryz. Nang malaman nilang dinukot ako ay agad daw na ipinatawag ni Ryz ang buong SC OFFICERS pati na rin ang mga opisyal ng paaralan. Ang sabi pa niya na kung gugustuhin ni Ryz ay kayang kaya na ipablock sa iba't ibang school ang mga taong gumawa sa akin non.

Blacklist? Ibig sabihin ganon siya kalakas. Ganon kalawak ang sakop ng niya.

Ngayon alam ko na kung bakit siya na along Vice President. He's so scary! Especially when he's mad.

Kinwento rin ni Rio kung paanong nataranta si Ryz sa nalaman niya. Pinagmadali raw niya ang lahat para hindi malaman ni Reihl at ng buong school.

Ako rin ay nagkwento sa kanya kung paano nangyari ang lahat. Mula sa pangtawag sa akin nung babaeng estudyante hanggang sa magising nalang ako sa silid na iyon. I even told him what I heard.

Iyon yung tungkol sa "makapasa" at "first test" na sinasabi nila. May hinala ako kung sino ang nasa likod nito pero hindi naman tatanggapin ang hinala ko.

Sila na raw ang bahalang mag-imbestiga sa nangyari kanina. Ayon din sa kanya ay 'yong isang babae ang magsumbong sa kanila. Yung babaeng umalis don sa silid.

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now